New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    4,488
    #1
    Martes, Marso 6, 2007




    Hepe ng NPO ayaw daw galawin ng Palasyo

    [SIZE=2]Matagal nang dapat sinibak sa pwesto ang hepe ng National Printing Office na nasangkot umano sa iba’t ibang kaso pero hindi ito inaaksyunan ng Malacañang.[/SIZE]
    [SIZE=2]Ito ang pahayag ng isang impormante na nagbigay pa ng mga dokumento na makapagpapatunay umano sa akusasyong ito.[/SIZE]
    [SIZE=2]Ilan nang desisyon ng Presidential Anti-Graft Commission ang lumabas na nagsasabing dapat nang tanggalin sa pwesto ang hepe ng NPO na si Felipe Evardone ngunit hindi pa rin ito inaaksyunan ng Malacañang.[/SIZE]
    [SIZE=2]Sa harap nito, kumakalat naman ngayon ang pangamba na sinisimulan na ng administrasyon ang pandaraya na gagawin sa eleksiyon sa buwan ng Mayo kung saan gagamitin si Evardone para sa mga ilegal na planong ito.[/SIZE]
    [SIZE=2]May nakuhang mga dokumento ang Bandila na magpapatunay na dapat ay dati pa tinanggal sa pwesto si Evardone. [/SIZE]
    [SIZE=2]Isang dating kontratista sa NPO ang nagsalita ukol sa patuloy na pamamalagi ni NPO officer-in-charge Evardone sa kaniyang pwesto.[/SIZE]
    [SIZE=2]Base sa mga dokumentong ipinakita ng impormante na itinago sa alyas na “Jerry,” tatlong beses nang nagdesisyon ang PAGC laban kay Evardone kaugnay ng iba't ibang kaso.[/SIZE]
    [SIZE=2]Kabilang dito ang kasong anti-graft na isinampa ng isang printing company noong katapusan ng Enero 2007, ganoon din kaso noong ika-26 ng Enero 2007 at isa pang kaso mula sa isa pang printing company noong ika-16 ng Pebrero ng kasalukuyan din taon. [/SIZE]
    [SIZE=2]Napag-alaman na sa lahat ng pagkakataon, pawang dismissal ni Evardone ang hatol. [/SIZE]
    [SIZE=2]Sa dokumento naman mula sa Office of the President Legal Affairs noong Pebrero 15, malinaw din ang rekomendasyon na dapat nang sibakin si Evardone ngunit hindi pa rin ito naipapatupad.[/SIZE]
    [SIZE=2]Tanging pirma na lang ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang kulang sa naturang rekomendasyon.[/SIZE]
    [SIZE=2]Tinangka din ng Bandila na makapanayam si Evardone sa tanggapan ng NPO subalit lagi siyang nasa meeting at ipinasabi sa sekretarya na hindi sila dapat magkomento sa nasabing isyu dahil wala pa silang natatanggap na utos.[/SIZE]
    [SIZE=2]Nabigo din na makapanayam si Ermita na ilang ulit din na tinawagan upang magbigay ng kanyang reaksyon sa isyu. [/SIZE]
    [SIZE=2]Nabatid na si Evardone ay kapatid ng kasalukuyang campaign manager ng Team Unity ng administrasyon na si Ben Evardone na gobernador ng Eastern Samar.[/SIZE]
    [SIZE=2]Idinagdag pa ni Jerry na may nababalitaan silang pagpapa-kontrata ng pag-imprenta ng election returns at may mga papel na umanong naipadala sa isang pribadong printing company na nag-imprenta rin noong 2004.[/SIZE]
    [SIZE=2]Ang mga hinalang maaring magamit ang NPO sa dayaan sa eleksyon nakarating na rin sa kampo ng Genuine Opposition na humihingi na rin ng paglilinaw kung bakit nananatili pa rin sa pwesto si Evardone.[/SIZE]
    [SIZE=2]Tumanggi naman si COMELEC Chairman Benjamin Abalos na magbigay ng komento hinggil sa isyu at sinabing hindi niya sakop si Evardone.[/SIZE]


    Source: ABS-CBN Bandila


    Ayon sa TV Patrol news kanina, si Marieta De Guzman ang ipinalit ng Malacanang kay Evardone, ayon sa mga taga NPO, si De Guzman daw ay kanang kamay ni Evardone, na nasangkot rin sa maraming anomalya

  2. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    4,488
    #2
    Nasunog pa yung old building ng Comelec kagabi, related kaya mga ito sa pagtakpan ng ebidensya?

  3. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    4,488
    #3
    Sa Lunes na ang botohan, sana hindi totoo mga balitang ito Go out and vote... wisely

  4. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,847
    #4
    Only God knows kung sino ang mga mandadaya sa Eleksyon na yan.

National Printing Office gagamitin sa dayaan?