kumpadre naman, baka isipin nila kumpareng sendong na pipitsugin ito. aba, nanalo ata ito ng councilor, tapos 80K na 2nd hand na sasakyan lang ang ibibigay sa kanila ng gobyerno? e di dapat hindi na lang sila nagpakahirap tumakbo sa halalan. magkano ba ginastos nila sa halalan? ambait na nga nila kasi dapat mazda cx9 na tig-2.5M ang dapat hiningi nila e. tutal may pera naman e. yun na ngang naka-budget na pambili ng kotse para sa mga pulis. aanhin ba ng mga pulis yan? mas magagamit ko ang perang yan.
di bale. pag naipasa namin ang bagong bill (eg. palitan ang pangalan ng "kalye uno" into "kalye dos") e malalaman ng mga tao na hindi naman kami tutulog tulog sa trabaho. siguro by that time, pwede na namin hingiin ang mazda cx9.
oo nga pala, kelangan mairegalo kay kumpareng sendong ang pagpapagawa ng bagong street sign ng kalye dos. baka isipin ni sendong na nakalimutan ko na siya. baka isipin niya na sobra na akong big time, kasi nga naman, councilor na, may bagong 1M na kotse pa. kelangan malaman ni sendong na kahit ganong sikat na ako, e naka-apak pa din sa lupa ang mga paa ko.
