New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 28

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #1
    Grabe talaga yung mga nangangaroling dito samin. Every 2 minutes ata merong nangangaroling. Iisa lang naman ang kinakanta nila. Puro "Sa may bahay ang aming bati.....". Pag binigyan mo na ng pera, hindi na tinatapos yung kanta. Ayos talaga sila!

    Napansin ko rin ngayon na marami na ring nag-e-embark sa solo career. Mas malaki nga naman ang kita pag walang kahati. Yung isang bata, me bitbit pang maliit na karaoke. Mag-isa lang siya. Meron pang nagka-carolling na naka-bisikleta. As in naka-upo pa siya sa bisikleta niya habang kumakanta. Pagkabigay mo ng pera, sibat na. Parang napadaan lang talaga siya sa tapat ng bahay nyo.

    Dati mga lata at tansan ang gamit nila sa carolling. Ngayon uso na yung acapella at palakpak ng kamay na lang (cost reduction marahil).

    Dumadalas na rin yung mga nagca-carolling na matatanda. Nakakahiya naman na bigyan mo lang ng piso o dalawang piso. So pag may nakita kaming mga nagka-carolling na mukhang big time at papalapit na, pinapatay namin lahat ng ilaw sa bahay, as in parang brownout talaga, para kunwari walang tao. Haha. Kapag nakalampas na, bukas na ulit ng christmas lights.

  2. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    2,343
    #2
    Ganyan din ginagawa ko. Temporary brown out muna sa bahay pag may nagka-carol. Pag "sa maybahay..." naman ang kanta, sinsabihan ko na ibahin naman, kundi di namin bibigyan.

  3. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    214
    #3
    Once a year lang naman so OK lang magbigay sa mga kids & adults....kahit paulit-ulit pa sila.

    Dumaan din tayo lahat jan nung bata pa tayo, remember our anger pag di tayo nabibigyan or tinataboy tayo ng amo at minsan pa ay aso! hehehe

    So for me it's really not what I shall get in return for the money that counts, it's what I can humbly share with them.

    Merry Christmas!

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #4
    Quote Originally Posted by marlon22701
    Once a year lang naman so OK lang magbigay sa mga kids & adults....kahit paulit-ulit pa sila.

    Dumaan din tayo lahat jan nung bata pa tayo, remember our anger pag di tayo nabibigyan or tinataboy tayo ng amo at minsan pa ay aso! hehehe

    So for me it's really not what I shall get in return for the money that counts, it's what I can humbly share with them.

    Merry Christmas!
    Pinapatay lang naman namin yung ilaw kapag big time adults yung nagka-carolling. Ang dami kse nila, pre.

    Nakaka-konsensya kse na aabutan mo sila ng malaki tapos yung mga bata eh piso-piso lang.

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    368
    #5
    sa amin naman - di rin pinapatay ang ilaw.... kung may iaabot o wala..... baka mapundi ang mga krismas lights na mumurahin - iyong one time use- pag nag-patay sindi... puwede namang sabihin na -PATATAWARIN

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,153
    #6
    i could still remember nung highschool ako nag carolling kami, tapos yun me ari ng bahay pinatay ilaw, nag siguro nakarinig ng boo, ang ginawa binuksan, tapos pinatay tapos binuksan ulit,flourecent lightyun ha, hehehe

  7. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #7
    kanina lang dumaan yung mga drumline ng squatter dito sa amin, parang ati-atihan yung tugtog puro drum, then may kumatok sabi nung tauhan ko; "pasensya na wala yung amo ko" then kid starts to drum on the gate louder then doorbells for around 30 secs. then drums on the gate even louder... at this point since i was installing a few lights on my friends ride... na pikon na ako... so binuksan ko gate.. paglabas ko aabutan pa sana ako ng envelope... sinigawan ko agad " Ang kulit mo ah sinabi ng wala amo namin kinalampag mo pa gate!!!"... sya pa ang galit nung umalis...

    buti di nahalata na ako yung mayari ng bahay since madumi yung sando na suot ko dahil sumuot ako sa ilalim ng oto. hehehe

  8. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,848
    #8
    kme wala kmeng papatayin kase wala kmeng christmas lights.(kame ang nag cost reduction nyahehe)

    kme sa pasko lang kme nagbibigay.... ngayon puro "tawas ..este tawad ang sinasabi namin... more or less babalik naman sila sa pasko. sa pasko na lang namin bibigyan.


    edit: sa mga kids nagbibigay kme candies/treats na nakapack. tuwa naman sila. parang halloween ba, bigyan ng kendi.

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #9
    pero sa totoo mga bossing lets be realistic...

    ang hirap kasi nun na madami nangangaroling sa inyo di pa nga commercial yung pinapanood mo tatayo ka nanam para magbigay pero sa totoo magkakasma sila isa isa lang ang punta kasi alam nila magbibigay kayo.

    Bro dati nakatira ako sa Manila lalo na street namin may factory nang bata... minsan nakakatuwa pero madalas istorbo.

  10. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    2,421
    #10
    it doesn't really apply here, kase wala namang nagkacaroling dito eh. when we moved to the suburbs, i thought we'd get some carolers, wala pa ren. oh well, add that to the list of "things i miss about the philippines at Christmas time".

  11. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #11
    Dati nung kasama ako sa church choir, we used to do the rounds of the neighborhood pag nangangaroling. Syempre notified na yung mga households beforehand, para makapaghanda naman sila kahit papano, hindi yung basta susulpot na lang kami sa mga gate nila.

    Pag makulit talaga ang nagka-caroling, lalo na pag adults, wag na patayin ang ilaw, masisira lang. Gawin niyo, pwesto lang kayo sa may bintana. Then pretend to talk to the househelp, in a voice loud enough for the carollers to hear:

    "'DAY! NAGHAPUNAN NA BA YUNG MGA PIT BULL NATIN?"
    Last edited by Bogeyman; December 23rd, 2005 at 12:52 AM.

  12. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,847
    #12
    Kapag wala kaming barya isang oras lang namin binubuksan ang christmas lights o kaya hindi namin binubuksan ang christmats lights.. Pero pag nandyan parents ko nakabukas ang christmas lights..
    Tsaka matumal na ang nagcaroling sa village namin..ehehe
    Nakakahiya nga kase meron isang bese nagcaroling sa amin kaso tinaguan namin dahil walang iniwan na barya parents ko may dala pa naman na gitara yung isang tapos ang dami pa nila...

  13. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #13
    ang isang okey na di pa na-discover ng carolers, mga condo hehehe

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #14
    Quote Originally Posted by oldblue
    ang isang okey na di pa na-discover ng carolers, mga condo hehehe
    andoon naman ang mga guards na sobra sobra ang ngiti... nya ha ha ha

  15. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,384
    #15
    ako palagi nagbibigay .. naranasan ko kasi yung mag-carolling ng bahay bahay nung bata ako complete with tansan tambourine and lata drum .. one season ko lang ginawa .. hirap kasi .. kakapagod ..

    OT .. nung bata ako .. magkasaunod na pasko .. nakadale yung aso namin .. muntik na kami dinemanda nung magulang nung mga bata .. pero pansin naman after every "accident" .. iniiwasan yung bahay namin ..

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #16
    Kami candy binibigay namin hehe parang haloween.

  17. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,488
    #17
    hindi namin pinapatay obvious kc maliwanag bahay namin eh...binibigyan nalang kahit konti since christmas naman, ok narin un, for the kids un kaligayahan nila...

  18. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,202
    #18
    sa mag bata ok lang sakin kahit paulit-ulit..malufeet yung mga matatanda..nagbibigay din naman ako.(kaya lang may konting sama ng loob) "napilitan lang!" hehehe

  19. FrankDrebin Guest
    #19
    Quote Originally Posted by hens
    sa mag bata ok lang sakin kahit paulit-ulit..malufeet yung mga matatanda..nagbibigay din naman ako.(kaya lang may konting sama ng loob) "napilitan lang!" hehehe
    Same here. OK lang sa mga kids kaya lang yung mga matatanda ginawang business na.

  20. #20
    bigyan niyo na lang ng biscuit... yung skyflakes.

    Sa office namin pag dating ng pasko nakupo sunod sunod yung mga namamasko.

Page 1 of 2 12 LastLast
Pinapatay nyo ba yung ilaw pag may nagka-CAROLLING?