New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 39

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,781
    #1
    Senator Tito Sotto wants to revive death penalty for heinous crimes



    Muling binuhay ni Senator Tito Sotto ang usapin tungkol sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.

    Sa pamamagitan ng paghain ng Senate Bill 2080 noong Martes, January 28, hiniling ng actor-politician ang pagbabalik ng Republic Act 7659 o Death Penalty Law.

    Sa explanatory note ng panukalang batas, nakasaad dito na hindi sapat ang kasalukuyang ipinapatupad na life imprisonment para mapigilan ang paglaganap ng krimen sa bansa.

    Sinusulong ng Section 3 ng SB 2080 na muling ipataw ang death penalty sa heinous crimes.

    Nakasaad ang mungkahing ito sa dating R.A. 7959.

    Nakasaad naman Sa Section 4 na lethal injection ang paraan na gagamitin sa pagpapataw ng death penalty.

    Ito ay ayon rin sa Republic Act 8177 o Act Designating Death by Lethal Injection.

    Source: Senator Tito Sotto wants to revive death penalty for heinous crimes | PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz
    Senator Tito Sotto wants to revive death penalty for heinous crimes | PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz

  2. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,107
    #2
    I hate to say it, but I agree with him on this one.

  3. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1,181
    #3
    Sa explanatory note ng panukalang batas, nakasaad dito na hindi sapat ang kasalukuyang ipinapatupad na life imprisonment para mapigilan ang paglaganap ng krimen sa bansa.
    may data ba na nagpapatunay na nabawasan ang dami ng karumaldumal na krimen noong huling pinatupad ang death penalty dito sa atin?

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    2,372
    #4
    Quote Originally Posted by s10pao View Post
    may data ba na nagpapatunay na nabawasan ang dami ng karumaldumal na krimen noong huling pinatupad ang death penalty dito sa atin?
    Kahit wala, kailangan na ito at dapat ngayon seryosohin at hindi gawing bandera ng mga mapagsamantalang pulitiko. Na kuno ipopostpone nila ung hatol for their own good/publicity.

    Tignan mo ginawa ni nognog na kuno eh bibisita at makikisuyo na wag bitayin ang kababayan natin na nagdadala/nagtutulak ng shabu.

    Pusher??? Wag bitayin? Ilang buhay ng kabataan ang nasira niyan para ihingi ni nognog ng pardon sa china? Di ba? Kaya panalo ung anak ni nognog.

    Dapat pagbuhay kinuha buhay din kapalit.

    Posted via Tsikot Mobile App

  5. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1,181
    #5
    Quote Originally Posted by brainmafia_310 View Post
    Kahit wala, kailangan na ito at dapat ngayon seryosohin at hindi gawing bandera ng mga mapagsamantalang pulitiko. Na kuno ipopostpone nila ung hatol for their own good/publicity.
    pero yun ang argumento nila kung bakit gusto nila ibalik eh, kesyo maibababa raw nito ang bilang ng karumaldumal na krimen.

  6. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,364
    #6
    Quote Originally Posted by s10pao View Post
    may data ba na nagpapatunay na nabawasan ang dami ng karumaldumal na krimen noong huling pinatupad ang death penalty dito sa atin?
    Im not sure. But still I'd still say yes for death penalty.

    And sana yun talagang proven guiilty ha? Ayusin din nila justice system natin.

    Bitayin ang mga:

    Murderers
    Drug pushers
    Rapists
    Corrupt public officials.

    And sana nga electric chair o kaya firing squad. Pede rin i-view ng public.


    Sent from my iPhone using Tapatalk

  7. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    304
    #7
    how about tumaas ang rape case since nawala ang death penalty.
    kung walang enough na data to prove na nabawasan ang crimes, may data naman to prove na tumaas nung nawala and death penalty.

    dapat sa corruption, public sentence like stoned to death or sunugin ng buhay sa plaza. :D

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,338
    #8
    I'm with Sottocopy on that proposal; especially if it were to cover drugs, rape and murder.

    I'd doubt he'll push for plunder/corruption to be included though

  9. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1,181
    #9
    Quote Originally Posted by cast_no_shadow View Post
    And sana yun talagang proven guiilty ha? Ayusin din nila justice system natin.
    yan kasi yung kailangan talaga natin. kahit anong bigat ng parusa kung wala naman nahuhuli at napapatunayang nagkasala, walang ang kahit anong parusang maisip natin.


    Quote Originally Posted by madduck View Post
    how about tumaas ang rape case since nawala ang death penalty.
    kung walang enough na data to prove na nabawasan ang crimes, may data naman to prove na tumaas nung nawala and death penalty.
    sigurado kang ang kawalan ng parusang bitay ang dahilan ng pagtaas ng krimen?


    ang dami na kasi nating batas, karamihan naman hindi napapatupad ng maayos.

  10. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    304
    #10
    hindi mo din naman kaya patunayan na ang death penalty ang dahilan bakit hindi nila ginawa ang krimen, maliban sa hindi na makakaulit ang mahahatulan.

    hindi mo kayang pigilan ang gagawa ng kasalanan, ang gusto mong mangyari magkaroon sila ng pagdadalawang isip bago gawin ang krimen dahil sa possibleng maging hatol sa kanila.

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #11
    sa davao may death squad, mababa ang crime rate.

    sa maynila nung panahon ni dirty harry sinasabit ang drug pushers sa poste, bumaba din ang drug related crimes. nung wala na si dirty harry dami na naman pushers.

    teka, ano nga pala yung bill ni sotto? photocopy ng RA 7959?

  12. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    475
    #12










    VIOLENT REACTIONS AND OPINION: sa sistema ba naman ng politika ng ating bansa at isama nadin natin ang relihiyon at sinbahan, bago pa maibalik yaan edie sangkatutak na kontra ang aabutan niyaan. sa aking malayang kaisipan ako ay sumasang ayon na ito ay muling maibalik upang ng sa ganuon ay mag karon ng takot ang mga kriminal at gagawa ng mga krimen kung ipatutupad areng death penalty sa dami ba naman ng mga heinous crime at mga nagkaka salang mga politioko nararapat nga na itoy ibalik, ngunit, subalit at datapwat kagaya nga ng aking nabanggit kanina ay sa dami at sangkatutak na mga politiko, relihiyon, medya ang unang unang tatanggi at syempre isama nadin natin ang mga negosyante. kaya sa aking maliit na sapantaha e bago ga ere maipatupad e napakalabo nere kaya wag na tayong umasa pa na eto ay muling maibalik pa. hindi bale sana kung eto ay panahon ng martial law o nung panahon ng pamumunu ni dating pangulong marcos edie pwede pa siguro kase nadidisiplina pa nuon at may takot ang mga tao nuon, e ngayon e wala ng takot ang mga tao sa gobyerno kase nga wala ng death penalty e. ultimo taga medya kung komontra sa gobyerno e walang pakundangan, kaya ang sa akin siguro mas mainam na ibalik ang martial law para madisiplina ang tao para pati mas may marating ang bansa, kung may kuparpsiyon nuon ng panahon ni dating pangulong marco naman na lamang hanggang ngayon at mas lalo pang naging garapal at kupal. nuon naman kahet may kurakot pero may nararating at nakilala ang bansa natin sa mabuti e ngayon kilala ang bansa natin sa lahat na e..kaya kung ako ay gusto ko maibalik yaan death penalty!

  13. Join Date
    Apr 2013
    Posts
    1,365
    #13
    Quote Originally Posted by cast_no_shadow View Post
    Im not sure. But still I'd still say yes for death penalty.

    And sana yun talagang proven guiilty ha? Ayusin din nila justice system natin.

    Bitayin ang mga:

    Murderers
    Drug pushers
    Rapists
    Corrupt public officials.

    And sana nga electric chair o kaya firing squad. Pede rin i-view ng public.


    Sent from my iPhone using Tapatalk
    Pasado na sana sa mga mamba batas natin yun mga bibitayin,kaya lang nun makita #4,teka daw muna,we must preserve life

  14. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    6,502
    #14
    Quote Originally Posted by cast_no_shadow View Post
    Ayusin din nila justice system natin.
    Sent from my iPhone using Tapatalk
    yan dapat muna gawin bago yun death penalty
    baka kasi ganito mangyari:

    Judge:"innocent pala si Pedro sa kaso niyang murder, pakawalan mo na"
    Warden: "Eh Judge nabitay na po siya kahapon lang"

  15. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    3,522
    #15
    Quote Originally Posted by cast_no_shadow View Post
    And sana yun talagang proven guiilty ha? Ayusin din nila justice system natin.
    Agree.. Unahin ito..

    Kay bagal ng hustisya dito. Kulang sa tao ang courts. Lampas na sa sintensya at tumanda na sa kulungan, nasa kulungan pa din. Ang dami ding inosente ang nakukulong.

  16. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,364
    #16
    Quote Originally Posted by 12vdc View Post
    Agree.. Unahin ito..

    Kay bagal ng hustisya dito. Kulang sa tao ang courts. Lampas na sa sintensya at tumanda na sa kulungan, nasa kulungan pa din. Ang dami ding inosente ang nakukulong.
    +1 derailed kasi justice system natin kaya mahirap i-implement ang death penalty. Yun tita ni esmi na dugo-dugo gang, nung inembistigahan sabwat pala si maid. Ginawang non-bailable yung kaso. November pa nahuli yun, hanggang ngayon wala pang arraignment ba tawag dun? Sa march pa ata naka sched.


    Sent from my iPhone using Tapatalk

  17. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,627
    #17
    think of it: masamang tao... papakainin mo pa..

  18. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1,711
    #18
    Quote Originally Posted by s10pao View Post
    may data ba na nagpapatunay na nabawasan ang dami ng karumaldumal na krimen noong huling pinatupad ang death penalty dito sa atin?
    meron, ung nahatulan ng kamatayan hindi na ulit nakagawa ng masama..

  19. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    805
    #19
    Plunder is considered a heinous crime, paktay ang three kings ng Senado gyud.

    Sent from the Twilight Zone...

  20. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1,711
    #20
    Quote Originally Posted by dr. d View Post
    think of it: masamang tao... papakainin mo pa..
    Payag na ako na walang death penalty, pag nahuli na nagnanakaw putol kamay, pag nang rape putol T2, pag libel putol dila.

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Senator Tito Sotto wants to revive death penalty for heinous crimes