PAGADIAN CITY — Tatlong oras na inoperahan ang isang 20-anyos na nursing coed matapos umanong pasakan ng bote ng soft-drink ang ari nito nang halayin ng anak ng bise gobernador ng isang lalawigan sa Western Mindanao noong Martes ng gabi.
Tinangka pa umano ng pulisya na itago ang blotter kung saan nakatala ang insidente subalit nahalukay pa rin ito ng mga mama-mahayag kahapon.
Ayon sa biktimang iti-nago sa pangalang Angelie, inimbitahan umano siya ng suspect na dumalo sa birthday party ng kaniyang kamag-anak sa lugar ng San Jose sa lungsod na ito noong Martes ng gabi. Nakisali umano siya sa pag-iinuman ng tatlong kalalakihan at tat-long kababaihan hanggang sa makaramdan ng pagka-hilo at mawalan ng ulirat.
Dakong alas-11 kinaga-bihan nang isugod sa Zam-boanga del Sur Provincial Hospital ang biktima dahil sa walang tigil na pagduru-go ng ari nito. Suot pa umano ng biktima ang kaniyang school uniform nang dalhin sa ospital, ayon sa blotter ng pulisya na minarkahang "Not for press release."
Nakiusap rin ang ilang pulis sa mga mamamaha-yag na huwag nang ilathala ang insidente.
Ayon naman sa mga dok-tor na tumingin sa biktima, nahirapan silang gamutin ang tinamong pinsala ng biktima sa kaniyang ari. Wala naman ni isang kawani ng ospital ang pumayag na magpakilala dahil sa ang ina ng suspect ay isa rin uma-nong mataas na opisyal ng isang ahensiya ng pama-halaan.
Nagdadalawang-isip pa ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso dahil sa takot sa impluwensiya ng pamilya ng suspect. Subalit ayon naman kay Atty. Friolo Icao Jr., district chief ng Na-tional Bureau of Investiga-tion (NBI), na handa silang pangalagaan ang seguri-dad ng biktima at ng pamil-ya nito.
Nabatid na ito umano ang ikalawang insidente ng rape na kinasasangkutan ng anak ng bise-gobernador. Naka-bimbin pa umano sa Regional State Prosecutor's Office sa lungsod ng Zamboanga ang naunang kasong kinakaharap nito kung saan ang biktima ay anak ng kanilang dating katulong.
>>>>
hirap talaga pag may power sa pamahalaan at my pera ang kalaban




Reply With Quote