New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    Ito ang kinatatakutan ngayon ng Pangulong Gloria Arroyo bago siya tumulak sa Estados Unidos na huwag sana siyang pabaunan ng ganito ng oposisyon at kanyang mga detractors alang-alang na lang sa Pilipinas.

    Muling nakiusap ang Pangulo na sana'y bukod sa dolyares na dala niya sa biyahe at mga kongresistang ginamtinpalaan niya sa pagpatay sa kasong impeachment ay pabaunan sana siya ng isang magandang mensahe na maihaharap niya sa malalaking lider ng nasyon na dadalo sa United Nation Security Council (UNSC).

    "Gusto kong pumunta sa United Nations na baon ang maliwanag na mensahe na ang Pilipinas ay iisa at nagkakaisa," ayon sa Pangulo.

    “Gusto kong pumunta sa United Nations na baon ang maliwanag na mensahe na ang Pilipinas ay iisa at nagkakaisa.”


    Kasabay nito'y napag-alamang nagbigay umano ng mahigpit na tagubilin ang Chief Executive kay Executive Secretary Eduardo Ermita na huwag bibitawan ang 'pisi' sa Malacañang na hahawakan nila ni Vice President Noli de Castro habang wala siya at nasa ibang bansa.

    Sa likod umano na gagawing pagharap ng Pangulo ay nais niyang itago sa likod ng tabing ang katotohanan na marami ang humihingi ng kanyang pagbibitiw sa puwesto dahil sa umano'y nangyaring pandaraya sa nakalipas na eleksyon.

    Nais ipakita ni Ginang Arroyo sa ibang bansa na
    ang Pilipinas ay may matatag na tahanan at hindi nag-aaway-away sa pulitika.

    Tinawag din niyang makasarili ang mga mambabatas na pilit na nagsusulong sa kanyang kasong impeachment na umano'y mas pinahalagahan ang pulitika para sa kanilang pansariling interes.

    Ang Pangulo ay nakatakdang umalis bukas na may agam-agam at takot na baka wala na siyang mabalikan sa Malacañang at dumausdos ang puwersa ng dalawang biyuda na sina dating Pangulong Corazon Aquino at Ginang Susan Roces-Poe at magkaroon ng panibagong People Power

    ************************************************** *******
    sabi nila ang makapal daw ay hindi marunong mahiya ..

    .eh bakit ayaw mapahiya

  2. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    115
    #2
    Hehe, bakit kasi takot sa impeachment? Kung walang kasalanan, eh di wala. Bawas na sana mga rally ngayon at kahit papaano tatahimik na. Tingin mo Garci? Haha.

    Tinitira naman siya ni Gordon ngayon. Tindi, 8,973 (tanda ko) vehicles x 25,000 = kita ng "pamilya". Wow! Ambunan mo naman ang mga mahihirap na Pilipino.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #3
    New York ang punta ni GMA? Nasa kalapit na N. Jersey si Garci? Si Mike A. naman nasa S. Francisco? Malaking "victory party" ito!

    Tuloy ang ligaya! :jump:

  4. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    282
    #4
    Quote Originally Posted by BoEinG_747

    ************************************************** *******
    sabi nila ang makapal daw ay hindi marunong mahiya ..

    .eh bakit ayaw mapahiya
    balat sibuyas ang kinapal!

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #5
    Quote Originally Posted by chua_riwap
    New York ang punta ni GMA? Nasa kalapit na N. Jersey si Garci? Si Mike A. naman nasa S. Francisco? Malaking "victory party" ito!

    Tuloy ang ligaya! :jump:
    kaya pala na post pone ang visit ni GMA sa Saudi

    sa USA pala victory party nila...hahahaha
    Last edited by BoEinG_747; September 11th, 2005 at 05:46 PM.

Pakiusap ni GMA: 'Wag n'yo akong hiyain sa UN!