New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #1
    Sa halip na makatulong, ipinahamak pa ng mga pulis at militar si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa raid na isinagawa sa isang bahay sa San Mateo, Rizal dahil ang mga nakuha ritong ebidensya ng poll fraud ay lalong magpapakita ng pandaraya ng administrasyon noong nagdaang eleksyon, ayon sa pahayag ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson.

    Sa isinagawang raid kahapon ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa bahay ni Segundo Tabayoyong, dating document examiner ng National Bureau of Investigation (NBI), pinalilitaw umano na ang mga nakumpiskang dokumento tulad ng mga kopya ng mga umano’y tampered na election returns (ER) ay ginamit ng oposisyon sa pandaraya noong eleksyon.

    "Kung sasabihin nilang ang ER ay sa opposition nanggaling para ipandaya, mali rin dahil lalabas doon pag sinuri natin na malaki ang lamang ni Mrs. Arroyo sa mga pre-fabricated ER na nakumpiska nila. Kung sasabihin nila na `yan ay ebidensya para sa pagpa-plant o pag-produce o fabricate evidence against Mrs. Arroyo, mali rin. Hindi ko alam kung saan sila susuot dito sa ginawa nilang raid," ani Lacson.

    Kaugnay nito, iginiit ni Sen. Lacson sa raiding team na i-turnover sa House committee on justice ang mga narekober na election documents pati na ang mga ebidensya sa Jose Pidal account upang magamit na ebidensya sa impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo.

    Ayon pa senador, malamang na sunugin ng CIDG at ISAFP ang mga dokumentong ito kapag nakita nila at napagtanto na lalo lamang nitong ipapahamak si Pangulong Arroyo.

    Samantala, pinagpapaliwanag ng House committee on justice na pinamumunuan ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong ang CIDG sa naturang raid.

    Inatasan ni Datumanong sina Iloilo Rep. Rolex Suplico at Quezon City Rep. Mat Defensor na gumawa ng sulat para hingin ang paliwanag ng pamunuan ng PNP-CIDG sa isinagawang raid sa bahay ni Tabayoyong na umano’y supporter din ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) at tumulong kay Sen. Lacson sa pagkalkal sa Jose Pidal bank account issue.

    Ginawa ni Datumanong ang nasabing aksyon matapos ireklamo ni House minority leader Francis "Chiz" Escudero sa pagdinig ng komite sa impeachment case ang nasabing raid ng CIDG.

    Nangangamba si Escudero na hindi lamang ang mga saksi ang mauubos kapag nagkataon kundi ang mga ebidensya nila dahil ginagarapal na umano ang aksyon ng mga alipores ni Arroyo upang mapatay ang impeachment case.

    Kaugnay naman ng tinatakbo ng impeachment case, nagharap din ng kanilang mga ebidensya ang Impeachment Team para ipakitang nagkaroon ng dayaan noong eleksyon para paboran si Arroyo.

    Sa presentasyon ng Impeachment Team kung saan ipinakita ang isang kuwarto ng ebidensyang hawak ng oposisyon, sinabi ni Impeachment Team spokesman Rep. Allan Peter Cayetano na habang naghihirap ang mga kalaban ni Arroyo noong eleksyon na sina Fernando Poe Jr., Lacson, Raul Roco at Bro. Eddie Villanueva sa pangangampanya, tinatrabaho na ang pagfi-fill-up sa mga ERs sa Horizon Hotel na dating kilala bilang Byron Hotel para paboran ang Pangulo.

    Ang mga ERs na ito na tinrabaho umano ng mga operators ni Arroyo na tinaguriang "Byron Group" ay sinasabing bahagi ng 33,000 sobrang ERs na pinaimprenta ng Comelec at siyang ipinalit naman sa mga ERs ng mga presinto sa PCIB (Pampanga, Cebu, Iloilo at Bohol) area.

    Nagkabukulan lamang umano sa hanay ng "Byron Group" dahil hindi pantay-pantay ang hatian ng pera sa grupo na binubuo ng 50-katao at pinamunuan ng isang kaalyado ni Arroyo na nasa Kongreso ngayon kaya sumingaw ang operasyon sa dayaan.

    Binatikos naman ng kampo ng administrasyon ang naging aksyon ng Impeachment Team dahil wala umanong ipinagkaiba sa Kangaroo court ang ginawang paglalabas ng mga ebidensya ng oposisyon.

    Sinabi ni House majority leader Prospero Nograles Jr., na desperado na ang oposisyon kaya inilalabas ang mga ebidensya sa labas ng impeachment proceedings.

  2. Join Date
    Nov 2004
    Posts
    26
    #2
    tsk tsk ang galing talagang magpalusot ng administrasyon sa mga kalokohang ginawa nila.

  3. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #3
    ano pa kaya ebidensia gusto nila? ...


    kahit umamin na ayaw pa rin bumaba,


    pakapalan na lang talaga sa pamahalaan

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    473
    #4
    pera lang talaga ang dahilan kung bakit ayaw pang bumaba ni gma,wala pa kasing pondo si mikey para sa pag takbo nya sa susunod na halalan.

  5. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    68
    #5
    Quote Originally Posted by onat_1
    pera lang talaga ang dahilan kung bakit ayaw pang bumaba ni gma,wala pa kasing pondo si mikey para sa pag takbo nya sa susunod na halalan.
    kung ako presidente ngayon, di rin ako bababa sa pwesto. ang hirap at laki ng gastos sa election tapos aalis ka lang ng ganun. kahit sino sa inyo dito, im sure ganun din ang gagawin.

  6. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,017
    #6
    naku kung totoo yan paktay na talaga si GMA...

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,327
    #7
    Sabi nga wala namang national security risk, bakit ISAFP at CIDG ang nandun para mang raid ala Gestapo? Masama pa nito wala man lang search warrant? Tsk tsk tsk I smell martial law here. Clearly, Malacanang is controlled by the military generals

  8. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #8
    hindi yan kasi sasabihin na naman planted lang yan

  9. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    3,231
    #9
    where in San Mateo?

  10. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #10
    Quote Originally Posted by gwapito69
    naku kung totoo yan paktay na talaga si GMA...

    malamang di pa rin bumaba ito si GMA...makapal pa rin..


    dapat bumaliktad na ang military .para bumaba si GMA.

    eh kaso paano sila babaliktad kung sila na nag didikta

    Quote Originally Posted by IceColdBeer
    Clearly, Malacanang is controlled by the military generals ...
    yan nga ang problema..at kaya di makababa si gloria back up padin sia ng military

Ebidensya sa San Mateo raid lalong magpapahamak kay GMA