PANATANG MAKABAYAN
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na pilipino
sa isip, sa salita, at sa gawa.
ginagawa pa ba 'to sa mga eskwelahan (elementary and hs)?. . .kung hindi na e dapat ibalik ito pagkatapos awitin ang lupang hinirang tulad nung araw na nasa elementary pa kami. . .hindi lang sa mga schools, dapat kada umaga bago magsimula ng trabaho ang mga nagtatrabaho sa gobyerno e nire-recite ito. . .nire-recite lang namin 'to noon ng halos walang ibig sabihin. . .ngayon ko lang narealize na mahalaga pala para sa bayan natin. . .
may pag-asa pa rin ang pilipinas!


Reply With Quote


