Tuesday, 01 June 2010 00:02
INIHAYAG ni President-apparent Benigno “Noynoy” Aquino III na mas nanaisin niyang tumira na lamang sa condominium kaysa manatili sa Palasyo ng Malacañang.
Nauna rito, sinabi ni Aquino na nais niyang manatili sa kanilang bahay sa Times St., sa Quezon City.
Ngunit inalmahan ito ng kanyang mga kapitbahay na nangamba sa kanilang seguridad, idagdag pa ang maraming bisitang tutungo sa bahay ni Aquino.
Ayon kay Aquino, kukunsultahin niya ang mga barangay official at village association kung maaari siyang manatili sa Times St. sa loob ng kanyang 6-year incumbency.
“I haven’t had a chance to talk to them, to the head of the neighborhood association, to our barangay captain. I’m a consultative person by nature. I will talk to them, and I will hopefully minimize, if not eliminate any inconvenience for anybody,” aniya.
Aniya pa, may negative vibes sa kanya ang Malacañang.
Pinili rin ng kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino na huwag tumira sa Malacañang. Ang dating pangulo ay tumira sa Arlegui sa loob ng anim na taon.
Ngunit sinabi ni Aquino na masyadong malaki para sa kanya ang Arlegui.
“Living in it (Arlegui), by myself, will be too big. It will just emphasize being alone,” ayon 50-year-old bachelor.
Kapag tumutol aniya ang kanyang mga kapitbahay na manatili siya sa Times St., ikinokonsidera niyang umupa na lamang ng condominium pansamantala.
“We can rent some place, some condominium temporarily,” aniya.
Sabagay, di naman sa takrutin ako pero kung iisipin mo nga namang magisa ka sa malacanang(of course may mga servants) pero mag isa ka parin nun, parang nakakatakot dami sigurong mumu dun