Eh kesa naman sa mga trapo, enablers, balimbing, magnanakaw, and the likes of Robin Padilla and Tulfo. Parang siyang si Leni, kulang ang experience sa politika pero mahaba ang experience sa pagtulong sa ground. Kung yung iba mag-iisip pa lang ng plataporma kasi tatakbo, eto walking plataporma kasi ginagawa na niya even without government position. Lawmaker ang hinahanap diba, o eto o lawyer. If you've seen his performance sa debate, malawak yung knowledge niya sa mga issues. And though I may not be totally sold sa mga position niya on some issues coz they're too leftist, progressive and unpopular, hindi naman ibig sabihin nun matutupad na agad yun, pagdedebatehan pa yan. But it's good that those sides are raised. And this is a guy who can actually debate and stand his ground, unlike Bong Go na napapaligaran na nga ng coach nangamote pa kay Drilon. Or Bato dela Rosa na chinallenge lang ng isang college student, umiyak na. Imagine a senate blue ribbon hearing na ganitong klaseng senador ang nandun.
Sent from my LYA-L29 using
Tsikot Forums mobile app