Last Saturday, the cluctch on our trusty MB100 has started to slip after more than 70K kms of hard work. So my dad asked me to get it fixed. He told me to go to BW Auto Supply in front of NTENZ and MCR along Banawe. My dad told me nagkaayos na sila dun sa store. The whole shebang will cost Php 6K which is for the replacement of the clutch, pressure plate and release bearing using 'original' parts including instillation.

Nagtaka naman ako. Bakit hindi na lang sa RBL or MCR pinadala or even to ferdie or chieffy. Pero it's my father's ride so ayoko na magquestion.

So this morning I go there. Ayos naman. They take everything apart and do their stuff. Sobrang naasar ako kasi nagkaayos na sa presyo tapos bigla akong sisingilin para dun sa WD40, sa liha at dun sa pin na nasira nila sa pagbaklas ng suspension. It's no big amount. Pero nagkasarado na nga sa presyo then may mga ganitong patong pa? Sana pinagdala na lang niya ko ng liha at WD40 (napakarami ko dito sa bahay). Yung cotter pin pwedeng pwede ako dumampot sa shop ng friend ko. Nakakagago kasi. Then this other guy keeps saying na palitan na daw ang fanbelt ko kasi kapag bumigay daw yun sira ang makina ko. Ano ba akala niya sa fanbelt? Timing belt? Ginagawa ata akong tanga ng mga ito, eh. Sabi ko dadalhin ko na lang kina chieffy kung fanbelt din lang yan. Mas masaya pa tumambay dun. Afterwards, gusto pa kong singilin for gear oil kesyo kulang na daw ek ek. Ayoko na gumastos na sa kanila yung pera pupunta. So I walk all the way to Retiro to visit my friend Joel's store at kinuha ko lahat ng gear oil on display. Ayan isaksak nila sa baga nila yan.

At heto na ang clincher. Ang panget ng trabaho. Pinaliguan ng WD40 yung spring sa loob ng clutch housing. Now I feel like I'm stepping on jello everytime I shift. At ang sinagot pa sakin ng bobong mekaniko ay: "BOS GANYAN ANG LAHAT NG GAWA NAMIN DITO." Aba eh ****** inang shop pala ito. Gagaguhin lang ang sasakyan mo.

Kaya huwag na kayong magpapagawa (magpapasira?) dito sa lecheng shop na ito. Parang gusto kong sermonan ang tatay ko kung bakit pa ko pinapunta dun.