Mga sir san po kaya merong penzoil motor oil na pang diesel, dati kc sa petron lang ako bumibili nun pero hindi na ata sila nag bebenta ngayon nun puro petron product na lng talaga.
Sir anu po kayang Diesel oil ang pwede ko gamitin pag wala ako mabili na penzoil? Ok lang po ba ang castrol? Masydo na po kasi mahal ung mga mobil 1 kaya ndi ako gumgamit nun.. Mga ka price lng din po sana nung penzoil.
Sa mga Petron Stations meron parin akong nakikita pero baka mga old stock na. Recommended shelf life ng engine oils is about 3 yrs, so better use another brand na lang. Yung Caltex Delo Gold 15w40 (P160/L)or Shell RimulaX 15w40 (150/L) parehong okey.
Gamit ko sa diesel ko ngayon ay Petron RevX Trekker 15w40 CL-4 (P130/L), mga 1 & half month na. Dati Mobil Delvac gamit. No change in performance appreciated, nung sinilip ko inside ng valve cover last week parang stainless parin yung Cam ko, malinis na malinis.