
Originally Posted by
louiellopez
Good pm mga Bossing. Ano po kaya ang remedyo dito sa gasgas sa rear fender nitong aming MPV? Nakakadalawa nang gasgas, hintayin ko na lang ba na dumami bago ipa repair, sasagutin ba ito ng Insurance. Meron po siyang Backing/Reverse sensor na nakalagay sa kanya. Kung ipapagawa namin sa labas, magkano po kaya, at kung ipasasagot sa Insurance magkano po ang participation fee nito? Ito ang kauna-unahang brand new na sasakyan ng pamilya, nagkaroon na po kami ng mga second hand na kotse dati na di namin pinapansin yung mga gasgas pero ngayon brand new na kaya iniingatan na namin. Plastic po ba ito o fiber glass definitely hindi lata yung rear fender