kala ko na post ko na to kanina pero pag check ko wala naman. anyway eto yung problema.
kakapalit ko lang ng valves. na grind and stuff, ok naman ang takbo (hatak and mejo tumahimik). wala naman inayos kundi yung cylinder head (valves) lang at palit timing belt. nung una ang problem ay taas-baba yung rpm.
after a while, ang naging sakit naman eh bigla na lang namamatayan pag bagong start. kelangan apakan yung gas for 5 mins para ndi mamatay.
then ngayon naman eh sobra taas ng rpm pag ka start pa lang. mga 1500 rpm kuna then aakyat sa 2000. pag andar eh ndi naman bumababa. nangyayari to pag aapakan ko muna accelerator bago start. minsan ndi siya nangyayari. so ang nangyayari eh adjust ako ng adjust. at isa pa, minsan eh kahit off na yung makina eh umaandar pa.
yung up and down ng rpm baka fuel line or fuel pump problems. baka may leak somewhere and it's sucking air. eratic ang fuel pressure kaya yung adjustment na ginawa mo baka mataas sya talaga then since mababa nga ang fuel pressure (air getting in the fuel lines) e yung high setting mo parang mababa pa din. tapos pag yung time na tama ang fuel pressure ayun shoot up ang rpm mo.
yun namang off na ang ignition pero umaandar pa din, may carbon ang plugs mo or valves kaya nag-dieseling. kahit wala na spark ang spark plugs since mainit yung carbon deposits aandar pa din yun.
Idling problems are quite a hassle to trace (it's also a common problem with EFI cars once they age). It's a process of elimination so the best is to start with the basics:
- Tune-up and check your timing and base idle settings... check also your air and fuel filters.
- Check for any loose hoses (vacuum leak)
- Check the spark plug wires for any signs of wear/tear.
- Have the throttle body opened and cleaned if it has not been done yet and the car is already fairly old/high mileage.
- Have the sensors checked.
My friend had a similar problem with his Corolla GLi, it was a defective sensor/assembly that was replaced (cost around 5K to 10K from Toyota)... I just can't recall what it's called. I'll see if i can ask him.
ganyan din problema ng sasakyan ko ngayon, buti nga sayo timing belt lang sa akin timing chain, nung diagnose ng tao nila migs kailangan ko raw palitan yung buong kit ng timing chain, dahil inabot ng 60 yung timing biruin mo sobrang taas non. Napa tune-up ko na yun, change sparkplug, linis ng intake, check yung mga sensors ganon pa rin, nung binuksan lang don nila nakita na wala na sa pisition yung timing mark. Haayyyyy Gastos na naman...
Ganyan rin problema ko ngayon... pero mukhang nakita ko na problema... "duling" kc idling ng kotse ko.. minsan 400 minsan 1500 minsan 1000 RPM. Naiistuck un gas pedal ng konti after pressing and depressing it.. kaya ayon minsan naiiwan sa 1500 idling ko... then gagawin ko kakalabitin ko ng paa ko pataas eh since kinalikot ko at ibinaba un idling ko dati... baba naman cya ng 400.. minsan tsumatsmba sya... at naiistuck sa 1000... heheh..
nahihirapan bumalik its either un pedal o ung spring dun sa throttle body... susubukan ko muna lagyan ng lubricant. :-D
hey salamat sa mga reply. binubusisi ko nga yung carb para malaman kung meron ba tanggal na hose or stuck lever etc. tapos spray ko ng konting wd 40 yung moving parts just in case meron stick na part.
ang nakita ko isang moving part na dapat bumabalik pag gumalaw. pero ndi. pag ginalaw kasi tsaka tumataas yung rpm. ndi ko lang alam ang tawag dun. sa tingin ko dapat may spring dun. kasi pag adjust ko eh bumabalik sa normal. malapit siya dun part na kinakabitan ng cable. mejo ibabang parte.
nway, dun sa fuel pump or fuel line na madumi. check ko din. panu ba malinis yung fuel line??? at panu at san macheck kung may singaw sa vacuum mechanism??? tnx uli.