New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 15 of 15
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    497
    #1
    Saan ba pwede magpagawa ng seatlbelt? Bali ang problem kasi yung seatbelt ko hindi ko na mabatak (in other words, nag lo-lock, na agad siya kahit hihilahin ko pa lang). Before, dadahandahanin ko lang tapos mahihila ko na, ngayon wala na talaga, kahit 1 inch lang na pagkahila wala na.

    una i was thinking of bringin it to honda, kaso naiisip ko tatagain nanaman ako dun. YUng mga car accessories shop dito sa may araneta kaya kaya gawin ito? If no, san kaya pwede na mas mura? Kelangan ko kasi ipagawa, dahil mag roroad trip kami sa ilocos sa april, mahirap na ang walang seatbelt. Tnx

  2. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    3,774
    #2
    afaik, palitin ang seatbelts. palitan mo na lang ng bago

  3. Join Date
    May 2005
    Posts
    497
    #3
    Quote Originally Posted by sirkosero
    afaik, palitin ang seatbelts. palitan mo na lang ng bago

    Yun yung mechanism diba? May idea ka ba kung magkano ito? Kaya bang gawin ito ng mga accessory shops sa araneta?

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #4
    mechanism lang yan. baka may nag jam.

  5. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,563
    #5
    we had the seatbelt of our landcruiser 60 series changed at seatmate mandaluyong. if my memory serves me right nasa 2k yata ang price ng front seatbelt. tawagan mo nalang sila to inquire.

  6. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #6
    try mo sa Banawe. dun ko nabili dati yung mechanism ng seatbelt ko para sa 1985 na Sentra ko dati.

  7. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    162
    #7
    Try mo munang linisin yung mechanism. Ang hirap i-explain yung mechanism nya and how it works, pero basically naiipon lang yung dumi sa mechanism kaya naglo-lock sya.

    That's what happened sa Lancer singkit ko. Binuksan ko lang yung pinaka assembly nya, and nilinis lang, ok na. Hopefully yun lang. Kung tipong may nabali sa loob, palit seatbelt siguro talaga.

  8. Join Date
    May 2005
    Posts
    497
    #8
    ok guys, thanks for the tips. Ill try first kung makukuuha sa linis, saka na ako magdradrastic measures kapag wala na talaga.

  9. Join Date
    May 2005
    Posts
    497
    #9
    Quote Originally Posted by mcbry
    we had the seatbelt of our landcruiser 60 series changed at seatmate mandaluyong. if my memory serves me right nasa 2k yata ang price ng front seatbelt. tawagan mo nalang sila to inquire.

    Saan banda tong seatmate? Isang side lang yung 2k na sinasabi mo?

  10. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    188
    #10
    bili ka na lang ng surplus seatbelt mechanism, marami dun pang honda. Ipalit mo na lang yang current belt mo para malinis pa

  11. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,563
    #11
    driver side and front passenger side yung 2k. search mo nalang dito yung address and contact number ng seatmate.

  12. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    42
    #12
    Eh yung seatbelts na di bumabalik pag in-unfasten mo na?

  13. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    175
    #13
    Ibabahagi ko lang itong ginagawa namin para baka naman ay may makinabang sa mga darating na araw para sa mga nag re-restore at nag re-repair. Nag re-restore ako ng mga newer crashed o damaged cars paminsan-minsan at maraming beses na rin akong nag ayos ng seat belts pero halos lahat ay mga SRS seatbelts na sumabog at nag lock dahil sa aksidente. Ilang beses na rin akong nag ayos ng seat belt mechanism ng mga classic cars at halos pareho rin ang systema kaya nga lang ay wala nga lang yung locking mechanism ng SRS.

    Madali lang naman at very elementary ang mechanism ng seatbelts at kadalasan nasisira ay ang belt dahil sa kalumaan. Yung spiral spring naman ay lumuluwag o humihina ang batak sa kakagamit at kalumaan na maaarng baklasin ang unit at i-wind ulit ito ng konti para magkaroon ng batak ulit. Madalas ko itong ginagawa sa mga sakyan ko dahil gusto ko na parang lastiko o snappy ang balik ng seat belts ko para feeling brand new parati. Ang isa pang madalas na nagiging problema ay yung dumi, kalawang, at alikabok sa loob ng unit. Minsan din ay sang katerbang dumi o kalawang ang bumabalot sa ratcheting mechanism na nagiging sing kunat ng makunat na kropek at di na bumabalik. Yung pendulum/rammer ay maaari ding di na makagalaw dahil sa dumi o kalawang. Tama na kadalasan sa problema ay dumi lamang at madali naman itong ayusin pero kailangan nga lang ay medyo matinik yung mekeniko dahil hindi pwedeng pumalpak ang seat belt mechanism sa oras ng aksidente. Marami na ring seatbelt mechanism lalu na sa medyuo bagong sasakyan na sealed yung housing ng unit. Maaari pa rin itong baklasin pero malamang ay kailangang gumamit ng drill para dun sa mga pins o di kaya ay matalas ng cutter knife para hiwain ng dahan-dahan yung case. Pag ginawa itong pagsira sa casing ay malamang kakailanganin ng i-heat weld yung plastic casing o gumawa ng panibagong dowel pins para sa nasirang pins. Minsan ay pwede ring gamitin ang rivet pam palit sa plastic dowels o sa nasirang metal dowels.

    SRS unit: Ang ginagawa namin pag nag lock ang seat belt na SRS ay pinapalitan namin ito ng second hand unit o brand new unit, dipende sa resale price ng kotse at sa availability ng unit. Kapag talagang new model at wala talagang second hand pati na rin sa dealer o maker at kailangang maghintay pa ng ilang linggo para sa piyesa (time is money) ay binabaklas na lang ang unit at tinatanggal ang ang SRS rammer na nag lock ng seat belt. Minsan ay madali itong tanggalin pero yung ibang unmit at kailangan naming lagariin o i drill ng pakonti-konti ang ram hanggang sa maputol. Kadalasan din ay kailangang buksan at ayusin ang racheting system, spring at pendulum ng ilang unit pag ginalaw ang SRS rammer. Pag naayos at natanggal na ang SRS rammer na nag lock ay balik primitive style ulit yung seat belt na walang SRS pero magagamit pa rin. Tatandaan sana na pag nag lock ang SRS seatbelt unit ay malamang sumabog na rin ang SRS sa steering wheel. Ang ginagawa naman namin ay pinapalitan ng second hand SRS unit sa steering wheel pati na rin ang SRS control unit PERO pag wala talagang piyesa dahil masyadong bago o di kaya ay napakamahal ay pinapatay nalang ang SRS at pinapalitan ng aftermarket steering wheel para di mukhang crashed restored yung kotse. Malamang pag ginawa ito ay iilaw ang SRS warning indicator sa may meter panel. Pwedeng tanggalin ang bumbilya o di kaya ay i short ito, pwede ring magtiis na lang na parating naka ilaw yung SRS warning indicator. Tatandaan sana parati na pag SRS ang kinakalikot ay parating tatanggalin ang terminal connection sa terminal ng battery dahil baka sumabog ito ulit at patay ang pera sa pagbili ng bagong unit. Kadalasan pag nagpalit ng bagong SRS unit ay nawawala ang SRS warning indicator lamp pero pag di talaga mawala ito ay pwedeng dalhin sa maker para patayin ang warning lamp. Meroon ding mga models na pwedeng i reset o patayin ang warning lamp sa diagnostic port kaya lang ay kailangan ng data para sa pag patay na siguradong alam ng maker.

    Pro nga pala ako at ito ang negosyo ko kayat malamang ay di sasangayon ang iba sa sisyema namin. Maraming gumagawa din niyan lalu na ang mga katulad ko na pa teka-teka ang repair at benta kaagad. Sinasabi nga lang namin o sinusulat sa auction sheet ang history ng SRS lalu na pag naka-ilaw ang SRS warning lamp. Medyo extreme nga lang ang style pero konting tiyaga ay malamang magagamit pa rin yung unit na wala nga lang SRS. Isang paala-ala. Ilang units na rin ang nabuksan ko at sumuko dahil di ko talaga maayos at napilitan na lang akong maghanap ng 2nd hand o bumili ng brand new. Tulad ng nasabi ko na pag maganda ang resale value ng kotse ay malamang pwede kong gawin ito pero pag hindi naman ay kadalasan sa scrap yard nalang ako naghahanap o di kaya ay nagpapahanap na lang ako ng used unit sa parts guy.

    Medyo mahaba pero sana makapagbigay ito ng konting tulong.

  14. Join Date
    May 2005
    Posts
    497
    #14
    salamat, buti na lang nacontribute mo ito, SRS nga yung seatbelt ko. Complicado din pala, akala ko simpleng palitan na lang. Dadalhin ko na lang siguro sa honda para sigurado. Bos Trials Jpn, san ba shop mo? magkano ba mag parepair nito? CR-V ang auto ko '99

  15. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    175
    #15
    Quote Originally Posted by laklak
    salamat, buti na lang nacontribute mo ito, SRS nga yung seatbelt ko. Complicado din pala, akala ko simpleng palitan na lang. Dadalhin ko na lang siguro sa honda para sigurado. Bos Trials Jpn, san ba shop mo? magkano ba mag parepair nito? CR-V ang auto ko '99
    Magandang araw. Wala ako sa Pinas. Dito ako nakatira sa Japan at ang shop ko ay naandito rin. Di kita matutulungan sa pag repair pero pag may tanong ka ay susubukan kong magbigay ng payo. TY

Seatbelt Repair