Help po! Medyo mahina na ang buga ng aircon ko kaya pinagawa ko po. Sabi may leak daw, so binaba at nilinis, wala namang nakitang sira sa compressor o sa evaporator. Ang sabi "O" ring daw ang sira so pinalitan.
So, naayos naman at malamig na ang buga ng aircon, pero parang ang daming tumutulong tubig - pag sinilip ko yung ilalim ng kotse may tulo banda sa may compressor, ung banda sa may evaporator meron din.
Tinanong ko yung gumawa sabi mas maganda daw iyong may tumutulo kasi malakas ang compressor ko, pwede daw bawasan ang karga para mawala ang tulo.
Ganun ba iyon, pag malakas ang aircon eh may tumutulong tubig - nung nabili ko po iyong car eh malakas naman ang aircon pero walang naman tumutulo kahit konti.
ok lang kung may tumutlong tubig kasi freon naman ang laman ng aircon ng kotse mo hindi tubig yung tubig condensation lang galing sa ac mo sa parang pag meron kang malamig na malamig na tubig na nasa baso di ba may tubig sa labas ng baso na parang pinagpapawisan young baso yung tubig galing sa hangin na nasa paligid ng baso tinatawag na condensation ganon din ang nangyayari sa aircon moyung tubig hindi galing sa loob ng ac mo na get mo na ba? o kailangan mo pa ng expalanation. glad i could help