namputsa, last week nasa loob ako ng mcdo north ave corner mindanao waiting for my friend at 6am, papunta kasi sila ng probinsya at may ipadala akong package. then may lumapit na ogags sa car ko may hawak na coin, tapos dalian nyang ginasgasan ang right front fender sabay takbo. wala ako magawa kasi nasa loob ako ng mcdo, ni hindi ko masigawan at di naman ako madidinig. pesteng mga tao talaga!!!

so ang question: saan ba pwede makabili ng oem na paint in spray can? alam ko meron paint sa paint stores pero since gasgas lang naman baka kaya ng aerosol spray. pero wala pa ako nakita na nasa aerosol cans, saan kaya meron? mitsu po ang car.