bago lang po sa forum at naisip kong dito ko na rin itanong.
medyo nagkaroon lang ng ako minor accident at nakabangga ako ng PUJ (both parties at fault)...anyway gusto ko lang sana tanungin kung magkano kaya ang aabutin ko para ipa-ayos ang auto (im driving '93 corolla XL)?
medyo umangat konti ang hood (at at nayupi rin ng konti ang harap - guess paint job na rin para sa hood), nasira ang front grill (replacement ang kailangat) at paint job na rin para sa front bumper. no engine at headlight damage.
hope dming makatulong sa akin at maihanda na ang gagastusin ko lalot parating na rin ang sked na rehistro ng auto.
5K best estimate for that. tyak sisingilin ka kasi ng mataas sa labor dahil sa mga yupi. yung grill marami sa evangelista pasay ranging from 800 petot to 1000 petot depende sa quality nung makukuha mo. ang paint mura lang naman.
Meron kasing latero na pwede mo lang kausapin tungkol sa presyo ng labor. Maganda kung ikaw na magsu-supply ng pintura, masilya, etc. Siyempre, check mo rin kung pulido siya magtrabaho.
Kung malaki naman budget mo, sa matinong body repair shop ka na pagawa. ;)