hello sa inyong lahat, newbie lang po ako..
i hope matulungan nyo ko, i have dis problem kse sa mitsubishi adventure ko...
everytime na dadaan ako sa humps may tok sound sa manibela ko likewise pag lumiliko ako, at pag nag BRakE ako may tok sound... salamat po ng madame!
try mo daw ikot ng 45-90 degrees ang steering wheel back and fort (engine off),para bang inikot ikot mo yung steering wheel ng pabalik balik ng konti lang at pakiramdaman mo kung nagkaclank ba sya (tok sound).kung merong sound.intermediate shaft yan. kung pwede malubricate lang or higpitan or palian.
kung walang sound,try mo patakbuhin ng 15-25 kph at magfull turn without applying the brake.parang gumawa ka ng circle left and right full turn.kung may clank or tok na sunod sunod(like tok tok tok tok tok tok).wheel bearing yan at depende kung saang side sya nagclank,left turn,bad right wheel bearing,right turn bad left wheel bearing.
kung walang sound,try mo patakbuhin 30 kph sa medyo malubak na daan or rough road,mag coasting ka(walang brake at steering wheel straight),kung may maririnig kang clanking noise or toktok tok,.stabilizer bar link yan.
sorry nakalimotan ko palang sabihin ang pinka unang gagawin mo,patakbuhin mo pala ang kotse mo ng 35-40 kph sa smooth,leveled and straight road,magcoasting ka at bitawan mo ang manibela at pakiramdaman mo kung magpupull ba sa left or sa right ang kotse mo at kung grave (excessive)ba ang pulling nya,.check mo ang tie rod end.either loose or broken.