New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 17 of 17
  1. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    5
    #1
    Good day mga tsikot gurus!

    Hey guys i badly need your help!

    yung fx ko kasi nag leak yung oil sa alternator kaya naubusan ng langis! anu kaya posibleng mangyari sa makina ko turbo diesel 2c.

    sabi nila baka kumatok daw ang makina, pinatingnan ko sa kapitbahay naming mekaniko pinakingan nya tunog ng makina may kakaibang tunog nga tag tag tag yung tunog ang sabi nya hindi raw katok yun adjustment lang daw sa barbula pinahiram ako ng filler gauge ba yun?

    hey guys any advice? thanks so much in advance sa advice!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    237
    #2
    "tag tag tag", hindi na katok yun, kabog na yun... may adjustment ba ng barbula yung 2C mo?

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    466
    #3
    Haji, halos pareho ang problem natin...ang sa akin naman ay nauubos ang tubig dahil nagkaroon ng butas ung cylinder head ng 2C (hindi turbo). Lumabas ang tubig sa exhaust. buti na lang di naghalo ang tubig sa langis... tanging solution ko eh change cylinder head.

    sa problem mo naman sa labas lumabas ang langis...malamang cylinder head gasket....pero check mo na din sa trusted mechanic kung bakit..... ngayon kung wala kang makitang pwedeng labasan ng langis ..ipa hydro test mo ung cylinder head sa machine shop...baka may crack or butas somewhere....around 300pesos ata pero almost 3 hours job.

    yung sa akin di ko na pina hydro test dahil kita ko na kaagad ang butas....

    gud luck...

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #4
    baka naman yung seal sa crankshaft ang may leak kaya tumagas ang langis sa may alternator mo. dali lang yan, aalisin yung pulley tapos palitan yung crankshaft oil seal.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,157
    #5
    sa hydrovac yan eh kumukuha sya ng langis sa makina tapos dinadala sa alternator para magkaroon ng vavum.

    ang nasisira lang naman jan e yung hose o kaya sealant.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #6
    sir fierari, paano pumasok yung oil sa alternator? e di ba alternator ay electrical para mag-charge ng battery saka provide ng kuryente? di naman need ng oil nun ah. sealed ang bearings nun.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    237
    #7
    ang alternator kasi ng 2c at halos lahat ng mga diesel engines ay may pump sa likod para sa vaccum ng hydrovac, ito ay sumisipsip ng hangin mula sa hydrovac tapos ang labas ay papuntang engine, kung sakaling nag leak ang hose na papuntang engine ito ay maaring labasan ng langis na galing sa makina, hindi naman siguro ganoon kalakas lumabas ang langis para maubos ito, ikumpara mo na lamang ito na parang langis na lumalabas sa dipstick hole kung blow-by na ang makina mo...

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,157
    #8
    Originally posted by yebo
    sir fierari, paano pumasok yung oil sa alternator? e di ba alternator ay electrical para mag-charge ng battery saka provide ng kuryente? di naman need ng oil nun ah. sealed ang bearings nun.

    ang vacum kasi ng diesel ay nakakabit sa alternator (unlike gas engine sa makina galing). ndi naman sya exactly kasama nung electrical charger kundi meron syang parang extension sa likod ng alternator. nakikisabay lang sya sa ikot ng alternator. yung pump na yun eh gumagamit ng langis galing sa makina para maka create ng vacum. para sa hydrovac at idle up.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #9
    Yup, kasali ang alternator sa vacum system ng diesels.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  10. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    5
    #10
    thank you mga sirs sa information!

    boss rodcarolino di ko alam kung may adjustment ng barbula yung makina ko.

  11. FrankDrebin Guest
    #11
    Sabi ng mga FX Drivers sa amin...

    ...disposable daw yung makina nito. Yung kanila daw once na nagkaroon ng major problem sa makina nila....ang solusyon nila Engine Swap.

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #12
    Originally posted by Haji
    ...di ko alam kung may adjustment ng barbula yung makina ko.
    Meron pong adjustment screw lahat ng makinang may barbula. Pag bukas mo ng engine valve cover, ito yung may mga gatla para ikutan ng screwdriver and may lock na 10mm nut. Pero kung wala kang kaalam-alam sa makina, mas makakabuti pang wag mong gagalawin. A small adjustment could make or break an engine.

    Ofcourse, exception ang makinang rotary types. :D

  13. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,515
    #13
    Originally posted by FrankDrebin
    Sabi ng mga FX Drivers sa amin...

    ...disposable daw yung makina nito. Yung kanila daw once na nagkaroon ng major problem sa makina nila....ang solusyon nila Engine Swap.
    kung kailangan mo magpalit ng makina replace mo na sya ng c190 isuzu para di sya disposable like 2c......... dont worry kasya yan adjust ka na lang sa engine support.........sakto yan...

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,157
    #14
    konti na lang piyesa ng c190 .......... c240 n lang 55k lang sa blumentritt ang mahal hahahahah. pero mabuulok na body ng fx mo buhay pa ang makina mo.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    848
    #15
    hmm. alternator ko walang vacuum line sa likod.. eheheh...:D

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    237
    #16
    Originally posted by HBOY
    hmm. alternator ko walang vacuum line sa likod.. eheheh...:D
    mahirap bumili ng vaccum pump ng mga benz, yung isang cliente naka-stock yung benz nya dahil walang makuha na orig na pump, may pambili nga sya wala naman mabili

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    232
    #17
    Originally posted by FrankDrebin
    Sabi ng mga FX Drivers sa amin...

    ...disposable daw yung makina nito. Yung kanila daw once na nagkaroon ng major problem sa makina nila....ang solusyon nila Engine Swap.
    May pag-asa pa yan.

    Ang pagkakaalam ko ay 2C ang stock engine ng FX pero ang dine-describe ni Haji ay 2CT. Di kaya nagpa-engine swap na sya?

    Para sa akin mas economical ang magpa-overhaul ng engine than replacing with of surplus engine with unknown overall condition.

    Ang pagkakaalam ko ay disposable nga ang 2C(Korean made) but not the more durable 2CT(Japan made).

Naubusan Ng Langis!