Kahapon habang nasa fieldwork ako, ipinark ko yung auto ko sa isang parking area sa bandang Congressional Avenue in QC, pagbalik ko sa parking at pagsakay ko sa auto, napansin ko na yung mallit na crack dati (na dahil sa tama ng bato sa SLEX), ang pinagmulan niya, mga 12 inches ang haba.
Car Make/ Model: Mitsubishi Lancer 99 (Pizza Pie)
Ang original windshield nya ay Laminated, pero sabi ng mga napagtanungan ko mas okay daw ang tempered at mas mura pa, ang tanong ko ay:
1. Ano ba ang pinagkaiba ng Laminated at Tempered? Ano ba ang advantage ng isa dun sa isang klase?
2. Nag inquire na ako sa Aguila Glass, P3400 ang tempered at P4700 ang laminated, free installation na yun. May iba pa ba kayo mai recommend?
Out of the question na ang surplus kasi kahit makuha ng mura, siguradong taga naman sa installation cost.