Help po! Medyo mahina na ang buga ng aircon ko kaya pinagawa ko po. Sabi may leak daw, so binaba at nilinis, wala namang nakitang sira sa compressor o sa evaporator. Ang sabi "O" ring daw ang sira so pinalitan.
So, naayos naman at malamig na ang buga ng aircon, pero parang ang daming tumutulong tubig - pag sinilip ko yung ilalim ng kotse may tulo banda sa may compressor, ung banda sa may evaporator meron din.
Tinanong ko yung gumawa sabi mas maganda daw iyong may tumutulo kasi malakas ang compressor ko, pwede daw bawasan ang karga para mawala ang tulo.
Ganun ba iyon, pag malakas ang aircon eh may tumutulong tubig - nung nabili ko po iyong car eh malakas naman ang aircon pero walang naman tumutulo kahit konti.