Meron po akong Mazda3. Kanina nagmamadali akong umalis kasi huli na ako sa meeting ko, medyo nagmadali ako pag-start. Sa pagsaksak ko ng susi, dire-dretso yung pag-pihit ko nung susi papuntang ignition. Dati kasi ang ginagawa ko, pihit sa Start, then after a few seconds, pihit sa ignition. Nalaktawan ko yung start and a few seconds
Ang nangyari, naririnig ko yung spark plugs (engine doing nothing) then yung kuryente bigla na lang pumasok sa lahat ng equipments (which normally happens after starting the car) pero hindi nag-start yung engine. Pagkatapos namatay din yung mga electrical equipments. Sinubukan ko ulit, pareho lang po nangyari.
Tinanggal ko isang terminal nung battery tapos kabit ulit; tapos try ko ulit pero pareho pa rin po nangyari.
Tapos, naisip ko may nasira so bumaba ako ng kotse at nung sinubukan kong i-lock gamit yung remote key, tumunog na lang dire-diretso yung alarm. Kaya malamang may problema sa kuryente (huwag po sana sa internal computer). Ang ginawa ko po ay tinanggal ko na lang muna yung isang terminal sa battery para tumigil yung tunog.
Ano po ba dapat gawin? Kailangan kaya akong magpa-service sa Mazda pero taga-Rizal pa po ako (malayo sa Mazda Greenhills)? O kaya po ba ito ng mga mekaniko sa mga simpleng shop? O ng mga service centers tulad ng Rapide? At dahil first time problem po, magkano po dapat ang range ng inaasahan na gastos sa home service tulad nito? Malamang mahal po aabutin kung mula Mazda pa.
Maraming salamat po.



Reply With Quote

