nung saturday habang papunta kami sa alabang biglang namatay yung kotse ko. sobrang traffic non. e malamig din ang panahon dahil naulan. kaya nag moist yung salamin sa likod. gumamit ako ng defogger. dalawang beses ako gumamit dahil yung unang gamit ko e bumalik ulit yung moist. yapos maya-maya namatay yung makina tapos ayaw ng magstart. hinintay ko pa erpats ko para lang mapastart yung auto. ano kaya problema nito? nadiskaraga daw yung battery. napansin ko lang pag gumagamit ako ng defogger e saka lang nangyayari to. dati kasi gumamit ako ng defogger bigla ding ayaw umistart ng kotse. pero nakapatay makin ko non saka matagal akong naka sounds. kaya tingin ko ok lang. pero ngayon napansin ko pag gumagamit ako ng defogger e nadidiskarga yung battery. ani kaya problema?