mas may pino kasi ang pagkadyot sa segunda. pag binitawan mo kasi yung clutch na nakaprimera masyadong sensitive. pwede nga rin sa tersera eh nasubukan ko na :-)
Originally posted by jim mas may pino kasi ang pagkadyot sa segunda. pag binitawan mo kasi yung clutch na nakaprimera masyadong sensitive. pwede nga rin sa tersera eh nasubukan ko na :-)
pag diesel ride mo, kailangan tersera pa minsan. one time nung ayaw mag-start crosswind ko, pinatulak ko para makadyot ... hirap sa 2nd gear. Nung pinasok ko sa 3rd gear... ayun! swak na swak ...umarangkada na :D
sa revo diesel, hindi pwede sa primera.. nalibot na namin village namin ayaw pa din mag start.. sa 2nd gear eh start agad
eto sequence ng kadyot...
set key to ON position
set to 2nd gear
todo tapak clutch
tulak na..
then pag medyo mabilis na tulak,
bitaw agad sa clutch, tapak ng konti sa gas, then tapak agad todo sa clutch..
then tapak sa gas para hindi mamatay makina..
first time ko nagpakadyot sa shell sa katipunan. Imagine bumili ako ng condom sa select tapos ayaw na magstart ng pajero namin dati. Ayus sa timing.
Mabuti nalang mag gasoline boy na tumulong sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko tulak pa din ng tulaka ang boy e ang bigat ng dala ko kotse hehe, parang gusto nga niya na siya nalang ang magkadyot. Nakadalang balik kami sa kalsada hehe tska lang napaandar. Hindi na nga ako nakapagpasalamat kasi direderetso na yun andar ko hehe!
Salamat mamang gasoline boy sa kadyot mo!
naalala ko tuloy first time ko nag-jump start. timing belt ang tumalon kasi hindi ako marunong kumadyot. ayun nag 50-50 sasakyan ko. buti na lang nakuha pa sa timing. buti hindi bumaliko yung mga balbula ko kung hindi overhaul sana abot ko. buntis pa naman si misis non. kung nagkataon wala akong sasakyan hanggang ngayon. hehe.... mabuti na lang din at magaling ang mekaniko ko sa las pinas shell.