Hi mga paps. Nabiktima ako ng tanga sa parking lot na hindi marunong magbukas ng pinto. Napansin ko lang to nung nakauwi na ako -mukhang may pinto na bumukas tapos tumama sa pinto ko. May small dent at tanggal pintura -tagos pa sa primer yung gasgas. San mahusay gumawa ng ganito at magkano? Paranaque/Makati area po. Sa casa sobrang mahal kasi irerepaint daw buong door!
Buong door talaga pipinturahan dyan kasi kung spot lang, babakat yung spot area pagtagal. Depende sa shop but some charges as low as 2500 per panel (or door)