Disclaimer lang muna:
Guide lamang po ito. at owner's risk kung susundin ang mga nakasaad.
Ang problema bale e hindi nagreretract ang front seatbelts.. Minsan dahil hindi nakapagretract e naipit ang seatbelt sa pinto at nahirapan ako buksan (mula sa loob at labas ng sasakyan). tapos minsan ayaw mag-unwind ang passenger seatbelt. nakalock na lamang sya. kung minsan ok, minsan hinde. kaya minabuti ko munang tignan ang passenger side.
Sya sige simulan na natin.
Tanggalin ang trim. pero kelangan tanggalin ang weatherstripping. maaring nakascrew blah blah sa ibang brand/modelo ng sasakyan. tapos i-unbolt ang seatbelt retractor assembly sa connection neto sa ibabang parte B-pillar.
[IMG][/IMG]
I-unwind mo ng todo ang seatbelt at pasakan ng screwdriver yung slot para hindi magretract. Saka mo ngayon tanggalin yung plastic retainer sa dulo ng seatbelt
[IMG][/IMG]
Habang ina-unwind ko ang seatbelt e nahulog itong malutong na plastic na parte ng roller. Eto siguro ang dahilan kung bakit nagjajam ang seatbelt.
[IMG][/IMG]
Eto hitsura ng spring retractor nung nakafull unwind position. Sabi ng plastic cover e "DO NOT REMOVE".
[IMG][/IMG]








Reply With Quote
