New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 20

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    137
    #1
    post ninyo naman kung sinong senador ang mga manok ninyo......

  2. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #2
    Greeting's Kabayan Peklat,
    Bago ko sagutin ang tanong mo,eh saan kaba boboto? d2 o'sa 'pinas? nag pa registered kaba,d2 o'sa 'pinas? ako d2 naka-registered,kaya d2 ako boboto. diko nga alam kung cno ba ang iboboto ko,kasi wala nman nababago-puro pangako lang at pag nka-upo na eh,limot na lahat...

  3. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    137
    #3
    ... tol greetings din...... dito ako naka rehistro....... dito na ako naka boto noong nakaraang presidential election......

    kaya gusto kong makarinig ng mga hinanakit sa mga politikong puro pangako sa mga nagdaang eleksiyon.........

    pero pipilitin kong makaboto...... para kahit papaano may magyaring pagbabago kung ang isang boto ko ay makatutulong sa pagbabago ng bukas.....

    ghusto ko kasi iyung mga tipong bata pa pero...... marami ng alam o may karanasan nang maipagmamalaki sa politiko at sa tingin ko matindi ang prinsipyo sa buhay......

    una sa listahan ko si Chiz ...... baka nga isa lang ang iboto ko...... naka sabay sa eroplano ng mrs ko iyan minsan..... grabe ang mama, down to earth tol..... walang masabi ang mrs. ko........ tindi daw ng prinsipyo

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    120
    #4
    Negosyante takot sumugal sa oposisyon
    ASKYON NGAYON Ni Al G. Pedroche
    Ang Pilipino STAR Ngayon 02/24/2007

    NAGREREKLAMO ang oposisyong Genuine Opposition (GO) porke matumal daw ang dating ng campaign funds. Wala raw magastos sa kampanya.

    Sabi ng barbero kong si Mang Gustin, "totoo ba iyan o gimmick para kaawaan sila ng taumbayan." Naniniwala akong totoo. Walang pera ang oposisyon.

    Mga political analysts mismo ang nagsasabi na hirap ang pasok ng kontribusyon sa campaign coffer ng oposisyon. Usually, ang mga negosyante ay sumusugal sa lahat ng kandidato at partido. Kung sino man ang manalo, tiyak na may suporta sila sa gobyerno.

    Pero sa kaso ng oposisyon, takot daw ang mga negosyante sa posibilidad na manalo ang oposisyon. Baka wala daw atupagin kundi ang miga nakapaparalisang hakbang para patalsikin si GMA. Naranasan natin iyan nitong nakaraang ilang taon. Naapektuhan ang ekonomiya.

    Ito naman kasing GO, wala pa ring inihahayag na plataporma. Sabi nga ni Gustin, "puro porma walang plata."

    Ano ang balak nila kapag naluklok at nadomina ang mga upuan sa Kongreso? Nangangamba ang mga negosyante na baka buhayin na naman ang isyu sa impeachment. Ang ikinatatakot ng mga negosyante at ng mamamayan ay baka maging maligalig muli ang takbo sa ating lipunan.

    Babagsak ang stock market at hihina muli ang piso na medyo nakahulagpos na ngayon at patuloy pang lumalakas. Hihinto ang entrada ng foreign investments, tataas ang presyo ng petrolyo at mapipigil ang pagdami ng trabaho.

    Balita ko pa, pati kaban-yaman ni dating Presidente Estrada ay tuyut na tuyot. Hindi rin daw nangyari ang malaking bonanza na inaasahan ng oposisyon mula sa bilyunaryong si Independent Senatorial bet Manny Villar.

    Naaawa rin ako sa oposisyon. Pero kung nagdarahop ito, walang dapat sisihin kundi ang kanilang sarili.

  5. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #5
    ako sa tantsa kulang at palagay eh tama sabi ni kasamang Dest" na dry at tuyot at salat na sa kaban ang oposisyon,kapag nanalo sila eh cguradong babawiin nila at panigurong aatupagin nila muna ang mag kapera.pag nag kataon cguradong balik uli tayo sa krisis,gutom at uhaw-na-uhaw na sila

  6. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    137
    #6
    agree ako sa inyo tol, meron pa bang ibang opinyon...... sana may mag post sa mga doha tsikoters

Doha Tsikoters... Sino ibonoto ninyo...?