New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 20
  1. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    137
    #1
    post ninyo naman kung sinong senador ang mga manok ninyo......

  2. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #2
    Greeting's Kabayan Peklat,
    Bago ko sagutin ang tanong mo,eh saan kaba boboto? d2 o'sa 'pinas? nag pa registered kaba,d2 o'sa 'pinas? ako d2 naka-registered,kaya d2 ako boboto. diko nga alam kung cno ba ang iboboto ko,kasi wala nman nababago-puro pangako lang at pag nka-upo na eh,limot na lahat...

  3. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    137
    #3
    ... tol greetings din...... dito ako naka rehistro....... dito na ako naka boto noong nakaraang presidential election......

    kaya gusto kong makarinig ng mga hinanakit sa mga politikong puro pangako sa mga nagdaang eleksiyon.........

    pero pipilitin kong makaboto...... para kahit papaano may magyaring pagbabago kung ang isang boto ko ay makatutulong sa pagbabago ng bukas.....

    ghusto ko kasi iyung mga tipong bata pa pero...... marami ng alam o may karanasan nang maipagmamalaki sa politiko at sa tingin ko matindi ang prinsipyo sa buhay......

    una sa listahan ko si Chiz ...... baka nga isa lang ang iboto ko...... naka sabay sa eroplano ng mrs ko iyan minsan..... grabe ang mama, down to earth tol..... walang masabi ang mrs. ko........ tindi daw ng prinsipyo

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    120
    #4
    Negosyante takot sumugal sa oposisyon
    ASKYON NGAYON Ni Al G. Pedroche
    Ang Pilipino STAR Ngayon 02/24/2007

    NAGREREKLAMO ang oposisyong Genuine Opposition (GO) porke matumal daw ang dating ng campaign funds. Wala raw magastos sa kampanya.

    Sabi ng barbero kong si Mang Gustin, "totoo ba iyan o gimmick para kaawaan sila ng taumbayan." Naniniwala akong totoo. Walang pera ang oposisyon.

    Mga political analysts mismo ang nagsasabi na hirap ang pasok ng kontribusyon sa campaign coffer ng oposisyon. Usually, ang mga negosyante ay sumusugal sa lahat ng kandidato at partido. Kung sino man ang manalo, tiyak na may suporta sila sa gobyerno.

    Pero sa kaso ng oposisyon, takot daw ang mga negosyante sa posibilidad na manalo ang oposisyon. Baka wala daw atupagin kundi ang miga nakapaparalisang hakbang para patalsikin si GMA. Naranasan natin iyan nitong nakaraang ilang taon. Naapektuhan ang ekonomiya.

    Ito naman kasing GO, wala pa ring inihahayag na plataporma. Sabi nga ni Gustin, "puro porma walang plata."

    Ano ang balak nila kapag naluklok at nadomina ang mga upuan sa Kongreso? Nangangamba ang mga negosyante na baka buhayin na naman ang isyu sa impeachment. Ang ikinatatakot ng mga negosyante at ng mamamayan ay baka maging maligalig muli ang takbo sa ating lipunan.

    Babagsak ang stock market at hihina muli ang piso na medyo nakahulagpos na ngayon at patuloy pang lumalakas. Hihinto ang entrada ng foreign investments, tataas ang presyo ng petrolyo at mapipigil ang pagdami ng trabaho.

    Balita ko pa, pati kaban-yaman ni dating Presidente Estrada ay tuyut na tuyot. Hindi rin daw nangyari ang malaking bonanza na inaasahan ng oposisyon mula sa bilyunaryong si Independent Senatorial bet Manny Villar.

    Naaawa rin ako sa oposisyon. Pero kung nagdarahop ito, walang dapat sisihin kundi ang kanilang sarili.

  5. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #5
    ako sa tantsa kulang at palagay eh tama sabi ni kasamang Dest" na dry at tuyot at salat na sa kaban ang oposisyon,kapag nanalo sila eh cguradong babawiin nila at panigurong aatupagin nila muna ang mag kapera.pag nag kataon cguradong balik uli tayo sa krisis,gutom at uhaw-na-uhaw na sila

  6. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    137
    #6
    agree ako sa inyo tol, meron pa bang ibang opinyon...... sana may mag post sa mga doha tsikoters

  7. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #7
    peklat,
    wala ang mga doha tsikoteers at mga bzy nagyon yun,baka nasa bakasyon alam mo nman ngayon summer at bakasyon ng eskwela ng mga bata.d2 pa naman ako at si BoEing_747,tapos may bago tayong isang recruit "MABUHAY "ka jan kasamang peklat

  8. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    15
    #8
    babakasyon ako for a month sa april and i dont have any plans on voting kasi mas malala pa sa circus at mga clown ang mga candidates. nakakawalang gana nang magstay sa pinas. sensya na mga bossing pero thats how i see it. wala ng pagasa na umsenso hanggat nanjan pa ang mga magnanakaw sa gobyerno.

  9. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #9
    ako dina nag pa-abot ng eleksiyon sa atin,kasi cguradong magulo na nman yan.lahat ng mga kandidato eh gagawa ng paraan para manalo o'kaya eh hindi matalo.cno bang kandidato ang gustong matalo eh laki ng puhunan dyan kaya by hook or by crook kaialangan manalo kanya-kanyang gimik,pautot at pangliligaw sa mga botante,para maka-kuha ng boto,kahit mangako na napapako

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #10
    Sa Riyadh po ako........di sa Qatar, pero makikisingit po.

    May balak atang patawan ng tax ang mga OFWs, pero iba-block "daw" ito ni Ralph Recto, pag naka-daya, ehe.......pag nanalo. Maraming boboto kay Recto na OFWs, pag nagkataon.

    Kawawa naman ang mga "Makabagong Bayani"! Bu-buwisan pa.

  11. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    137
    #11
    sa palagay ko gimik lang ni recto iyan..... kasi siya ang may panukalang tungkol sa e-vat..... kaya nga tinitira siya ni goma tungkol sa evat.....

  12. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    137
    #12
    Oo nga pala mga tol.... bumoto na ako.... last week sa philippine embassy. bago ko ginawa talagang pinagisipan kong mabuti parang ayaw o parang gusto .... hirap .... pero sa huli nanaig parin na maka boto.... baka makatulong ang isang boto ko.

  13. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #13
    bakit ba,tayong mga "OFW: ang laging pinag-iinitan? pano pa tayong tatawagin bagong bayani-kung lagi tayong ini-ipit at papatawan pa ng mga "TAX" ????? kung tutu-usin nga tayong nag dadala ng malaking income dapat eh "V.I.P." tayo. lugi na nga tayo ngayon dahil mababa ang dollar eh tapos TAX pa

  14. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #14
    dipa ako bumoboto,kasi bzy pa ako dito sa trabaho,para atang wala akong mapili eh,lahat eh maraming pangako at gimik,cno nman kaya ang tutupad ng mga pangako kapag nanalo na!!!!


    Grabe ang violence sa atin ng halalan! dami ng namamatay,talagang iba talaga yung nasa pwesto ka,tulad ng sabi ni MIRRIAM DEFENSOR-kaya nag kukumahog at sinisiguradong manalo eh sa dahilan na malaki ang kikitain at tutubo pa sa mga gagastusin nitong halalan

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #15
    Kumusta na mga ka Doha tsikoteers ko!!!???

    Boto? Di na ko bumoboto. Kahit naman sino pa ang iboto ganun padin ang mangyayari at gagawin nila. Soooo..... di nalang ako boboto. Bahala na sila sa buhay nila.

    just my 2.

  16. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    137
    #16
    hahahahahaha.........

    tuluyan ka na ayatang nawalan ng tiwala sa mga politiko.... sabagay 'di kita masisi.... opinyon mo iyan.....

  17. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #17
    YOHOOOOOOOOO dipa rin ako naka-ka boto,alang time.ganoon din nman yun pag bumuto ka o'hindi eh do=dokturin rin din abanganan nalang natin kung cno ang pika-madaya

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #18
    +1 on ranod.

  19. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    129
    #19
    heheeheh sabi nila... maging matalino sa pagboto..

    that means wag ng bumoto kung ikaw ay matalino hahahhaha.
    dahil ang iboboto mo ay pare pareho..

    lahat sila magna....

  20. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    700
    #20
    umpisa na ang iyakan at kasabihan [SIZE="5"]"ANG NANALO AY NANG DAYA,AT YUNG NATALO AY NADAYA"!!!!! [SIZE="2"]same song again [/SIZE][/SIZE]

Doha Tsikoters... Sino ibonoto ninyo...?