Calling the attention of all Singapore tsikoteers.....
Gandang araw po sa lahat...![]()
Calling the attention of all Singapore tsikoteers.....
Gandang araw po sa lahat...![]()
Welcome to Tsikot, Rockman!
Dati akong Singapore based, almost 7 years din ako riyan. Batang Ang Mo Kio! He-he! Nilipat na kami sa M.East ng opisina namin.
Ikaw, saan ka sa Singapore? Musta na Orchard Road?.....![]()
Currently I stay at Yishun area..There is a big mall construction in progress opposite Amo Kio mrt station target 'ata of completion is mid of this year.
Orchard? same pa rin makulay evrytime there is holiday celebration coming especially this coming Chinese New year....
mga bossing, kamusta po yung cost of living sa Singapore? Enough na ba yung S$3.5k na salary?
S$3.5K? Pwede na yan Sir. Company provided ba ang accomodation? O andun na lahat? Sa housing mas mura pag sa HDB ka kukuha. Kung condo naman, siyempre mas mahal.
Meron nga akong kilala noon na S$2K lang suweldo (IBM Contractor), kanya pa bahay, eh ok naman sila. Yun nga lang, dami nila sa isang kuwarto, sharing kasi sila sa rent.
mukhang hindi company provided yung accomodation. actually yung factory is hindi nasa city. pero lang kaya cost of living pag medyo nasa labas ng city?
Namiss ko tuloy ang mga lamon ko sa Newton pati na ang mga miniskirts at short shorts ng mga SG girls.
mga katsikot, nakareceive na ako ng job offer. baka next week magstart ung salary negotiations....pero I'm having 2nd thoughts pa kasi di pala pwede magtsikot doon dahil ang mahal.
kita ko sa Google putek anliit lng ng Singapore. Mukhang kasya Maynila.
Last edited by squatt3r; June 2nd, 2007 at 02:58 PM. Reason: spelling
3.5K Sing$
aba aba aba pwede na ako dyan...
superlapit ko pa sa clark airport....
napaisip ako ah....
paano nga ba ang pasikot sikot dyan about job/housing
ako sir kimpoy sa jobstreet lang nag-apply. same job scope kasi (actually competitor). after ~1.5 weeks nagoffer na sila.
problema ko ngayon is yung place to stay kasi based sa mga research ko sa net ang mahal daw
Mahal ang housing at tsikot. Tsikot dahil sa road users tax. Dali naman umikot dyan kasi efficient ang mass transport system nila. Hanap ka ng ka share sa flat para makatipid. Ung couples at singles for Christ active dyan at tumutulong sa mga pinoy na bagong dating. Gusto ng mga Singaporeans ang mga Pinoy kasi trabaho lang d tulad ng locals pag ayaw na sa trabaho d na lang papasok kinabukasan lol.
Ung mga naka STI at Evo dyan pumupuntang malaysia pag fri o sat nights para makipagkarera![]()
Last edited by Si 06; June 2nd, 2007 at 04:08 PM.
kausap ko lang yung bespren ko 1 month ago, dito siya sa singapore nakatira (and work op kors). mahal na daw ng housing, di na tulad nung dati na bagong dating siya dito 7 years ago. 7 years ago nakatira siya sa high end flat, rent nya S$1000/month. but that was before. when i visited him and his wife last month they were in an old adb flat, not even 1/3 the size of his flat 7 years ago, small rooms, small living room, small t&b with all the pipes from the upstairs flat's t&b showing, and it costs him S$1200/month to rent. swerte pa daw sila dun at mura na.
makakamura ka siguro if you share the rent with someone. kuha ka nurse na pinay, room mate hehehehehe!
I worked in Singapore for 7 years. Nasubukan kong tumira sa HDB at sa mga condos. Sa HDB kasi, gov't. housing ito. Usually yung mga locals na may-ari, pauupahan nila ito. Merong semi/fully furnished. Yung mga condos naman, complete facilities yan like swimming pool, tennis/basketball courts at may picnic ground pa. Umalis ako sa HDB kasi, yung mga bata, du'n na rin naglalaro sa hallway, kahit weekends di ka makagawa ng extended tulog, dahil wala ring pasok ang mga bata. Maingay!
Kung sanay kang may tsikot sa Pinas, sa Sing. forget it, kasi UBOD ng mahal. Kelangan mo pang kumuha ng COE (Cert. of Entitlement na para ka na ring bumili ng kotse sa presyo!), bago ka makabili ng kotse. Ako noon nagkasya na sa MRT at taxi.
Makakaipon ka sa Singapore, kung may CONTROL ka sa sarili mo. Open ang nightlife (pero mahal), yun nga lang, sa tagal ko roon wala akong nakitang "strip joints: doon. Bawal. Ewan ko kung merong mga tago. Kung tsiks......Geylang is the place! Sa Lucky Plaza, dami rin!![]()
Sa sweldong $S3.5K (around US$ 2,300 * S$1.52/USD), pwede na yan. Ano bang kumpanya ito Sir? Yearly naman may increase, kaya lalaki rin yan.Basta alalay lang sa gastos at maki-share ka na lang sa bahay. Sabi nga ni Yebo, dami nurses diyan. Kasi kung su-solo ka, baka yung S$1.5K mo, kulang pa. Kung di mo kasama pamilya mo, sa condo ka na lang, mas maganda, then hanap ka ng ka-hati. Solved ang problema.
Last edited by chua_riwap; June 2nd, 2007 at 08:19 PM.
salamat sa pagshare sir chua riwap. kinukuha po ako ng AMD Sg. yung S$3.5k starting offer sya. next week pa lang kami mag-uusap ng HR about the final base salary.
medyo may kinoconsider pa kasi akong travel sa present company ko (see sig) this year tapos relocation sa South Carolina for 9months starting Jan. '08. kaya ayun medyo nangagalap ako ng info re: Sg baka mapasubo ako.
Di naman necessity ang oto sa sing e..super efficient and super safe ang kanilang transport system..taxis are 1-dial away...groceries pwede padeliver via internet..yun nga lang super mahal dun.
Last edited by spongee; June 3rd, 2007 at 07:07 AM.