(AFP)

Inihayag ng Nissan Motor, ang Japanese carmaker, ang Infiniti luxury brand sa China sa pagtatangka na makakuha ng kapirasong bahagi ng lumalaking kompetitisyon sa auto market ng China.

Plano ng naturang auto manufacturer na ilunsad ang kauna-unahang behikulo sa ilalim ng Infiniti brand sa China sa susunod na taon.

Inisyal na ibebenta ang dalawang modelo, isang sedan at isang sports vehicle, ayon sa Nissan na hindi naman nagbigay ng sales forecasts.

Ang mga sasakyan ay gagawin sa Japan.

"The overall (China) market is becoming more mature and diversified and the luxury segment is no exception," wika ni Yukihisa Kayashima, president ng Nissan (China) Investment Co. Ltd