Guys, last April 7 nag palit ako ng brand new KYB Premium shocks, HTK coil springs etc. at pinagawa ko ang mga pang ilalim ko.
- 1st set up w/o lifter: rear 2 fingers gap and front Left 4 fingers gap; front Right 5 fingers gap.
Nagtataka kami nila Mang Jun of Jervis kasi bago naman shocks at springs pero dapa ang likod.
- 2nd set up w/ 2" lifter: rear 4 fingers gap and front Left 4 fingers gap; front Right 5 fingers gap.
Gabi na at madilim na sa shop ni Mang Jun kaya mukhang nag ok naman na ang gap ng rear after lagyan ng lifters.
QUESTIONS:
1. Bakit kaya mas mababa ang drop ng rear kahit bago lahat?
2. Mali kaya yong pag install nila ng coil springs? Yong rear dapat sa front at yong front nailagay sa rear?
3. Paano ko malalaman kung ang coil springs ay pang rear o pang front?
4. Bakit di pantay ang gaps ng front left and right?
5. Di ba makakasira ng shocks O springs ang lifters?
6. Bakit kaya 50% lang ang improvement sa tagtag? I mean matagtag pa din sa malubak na daan.
7. Cause kaya ng tagtag yong lifters sa rear shocks?
8. Cause din kaya ng tagtag yong 16" mag wheels ko?
9. Bakit parang nag bottoms out pa din ang left rear?
10. Di na kaya mag bottoms out at maging matagtag kung tanggalin ko ang lifters sa rear?
11. Okay lang ba na mag putol na lang ako ng front springs para maging 2 fingers ang drop instead na 4 fingers left and 5 fingers right?
12. Bakit kaya may alog pa din ang manibela kahit na overhaul na ang rack and pinion?
If you can, please answer all questions para naman masulit ko ang gastos ko. Ilang araw na kasi ako nag iisip bakit after ng malaking gasto eh di pa rin ako satisfied sa results.




Reply With Quote
