baka marumi na ang carb mo kelangan nang linisin at palitan ang mga jets at isa pa check mo na rin yung fuel filter mo baka madumi na din malalaman mo naman yan kapag ang kulay ng gasolina mo sa fuel fiter ay medyo nangingitim na kelangan mo na yun palitan din kapag ganun.
check mo rin ang fuel pump mo baka marumi na at baka din may problema na rin ganun din sa fuel lines.
ang tanong ko naman ay ilan taon na ang sasakyan sa'yo at nagawa na ba sa tangke ng gasolina mo ang pag drain ng gasolina para matanggal ang mga dumi na nasa tangke?
kapag marumi na rin ang tangke mo magbabara naman yan sa fuel pump kasi maski papaano may strainer ito na nagsisilbing filter kapag naipon naman dyan puedeng mag bara o di naman kaya puedeng masira ito na ang mga dumi na sinalo ng strainer sa fuel pump mo ay yun iba maiiwan sa fuel lines mo at yung iba naman ay sasaluhin ng fuel filter mo.
kapag napuno naman ng dumi ang fuel filter mo hihinina ang hatak sa katagalan naman ay masisira at mapupunta naman sa karburador mo na puedeng mabilaukan ang carb mo.
hindi naman kaya maluwag ang wire ignition coil mo resistor or nagloloose na ang connection nito at yan kung ang distributor mo ay contact point type pa.
kasi nangyari na sa akin ito eh sa series 1 ng sentra ko dati noong una napag hinalaan ko yun carb dahil underwarranty pa yun carb ko sa pinagpagawaan ko ay pina ayos ko ulit nung umalis na ako sa pagawaan ay ok pero yan na naman nabibilaukan ulit yun may nakita akong wire na manipis na nang galing sa coil ay yung resistor sa coil ko ay wala ang isang wire ikinunekta ko ayun nawala ang na yun hindi na nabibilaukan.
kung sa carb naman yan kapag nabibilaukan maririnig mo naman sa makina mo na parang may humahatsing.