Hi gurus,
Need some inputs po sa scenario ko.
Madalas po kasi makadyot yung oto ko from 1-4 gear lalo na pag naka aircon. Kahit matulin po yung takbo ko nararamdaman ko din na kumakadyot. Kelangan ko pa sya alalayan ng clutch para mawala.
Mahina din sya humatak lalo na pag akyatan lalo walang bwelo. Minsan kelangan ko pa patayin yung ac para lang makaahon. 
Bali ito na po ang napagawa ko.
- Spark Plug
- Fuel Filter
- Air Filter
- Clean Throttle Body
- Clean MAF Sensor
Ang suspect ko po eh clutch or mahina buga ng gasolina.
San po kaya merong pang check ng fuel pressure na may gauge para lang malaman ko kung mahina or malakas pa ang buga ng fuel? Nag simula kasi ako sa pinaka mura. Huli ko sana yung clutch kasi medyo may kamahalan magpapalit. 
Nissan Sentra Series 3 po pala ang oto ko.
TIA mga gurus