Mga Sir, tanong ko lang kung ano prob ng kotse ko...1 month pa lang yong nissan lec 1993 model yong nabili ko, ok nman yong takbo at makina....kaso nung nakaraang araw, ginamit ko sya papunta ng opisina, nararamdaman ko na parang kakaiba ang takbo nya na parang mamatay twing aapak ako sa clutch at maggagas... bago ako nakauwi nung gabi mga 5 beses ako namatayan sa daan, na phobia na ata ako....basta nagsta start ang kotse tapos pag umandar na at titigil namamatay... ano kaya ang problema ng kotse ko? tulong nman wla kc talaga ako alam sa kotse...salamat..
Have your fuel filter checked (baka barado) and have the carburator checked and overhauled. In fact, since you just bought it, have it brought to a shop for a general check-up and service (change all fluids, filters, clean brakes, etc.).
Pa check mo na rin distributor. Dalhin mo na lang sa casa (Nissan Quezon Ave). Libre naman estimate. You an always pull-out your unit if you find their quote too high.
Tama sila bossing,pa-check lalong-lalo na yung carburator. Ganyang-ganyan ang problema nung oto ko,1993 Sentra kaya pala ang hirap timplahin eh maluwag na yung shaft sa ilalim dahil sa tagal na rin. Na-wrecker nga kami ngayong gabi lang.
mga bossing, salamat sa mga advises...share ko lang, actually, pinaayos ko ng linggo ang kotse ko sa private na mekaniko na refer ng old time frend nmin at unang nakita na warak na yong isang part ng distributor cap, kaya binilhan namin ng kapalit, pinalitan din ang mga spark plugs at yong gas cap kc medyo may latak na... ng matapos.... na test drive pero ganon pa rin ang problema....namamatay pa pero tinuloy ang test drive pero di pa rin successful kc namamatay pa rin.... ng binalik para e check nagka problema sa ignition coil kc namamatay pag umiinit...kaya pinabilhan naman hanggat kahapon inayos tapos cheneck yong tangke ng gas bka daw kc may tubig at ayon meron nga daw....ng matapos.... na test drive at ok na daw sabi ng nanay ko(wla kc ako don to oversee kc nagtratrabaho ako... pero di ko pa na test personally kung ok na nga..... sana ok na sya kc ang laki na ng nagastos ko.....balitaan ko kayo bukas kung ano development...kung wla pa rin hingi ulit ako advise... salamat mga bossing....
mukhang na-cover naman lahat ng mekaniko mo. ayus na yan... sa experience ko sa nissan makunat naman ang makina at maayos ang performance 'wag mo nga lang titipirin. wag kang papayag ng basta remedyo lang - kung no choice, as soon as makahanap ka ng orig/genuine part palit agad. makikita mo your nissan will bring you to far away places
magandang umaga mga bossing....ayon, latest kagabi, di pa rin na resolve ang problema ng kotse ko....pinatingnan ko na ulit isang mekaniko, na check na lahat pero may problema bandang carburador....nawawala ang menor.....sabi di daw gumagana ang magnetic sa carburador pero bago daw bilhan linisin muna ang carburador bka may bara o di kaya naghahanap ng temporary na carburador para etest kc kung gagana yon.... ang problema sa magnetic nya.....nahirapan na ko sa kotse ko gastos na nman....mga bossing ano sa tingin nyo?