part 2:
itinawag ko po ito sa dealer ko (nissan commonwealth), sabi ko ay kunin nila yung unit sa amin dahil ayaw kong i-risk yung engine. kahapon (monday)lang po kinuha yung unit sa amin ng Service Adviser

.ibinyahe nya yung unit hanggang nissan commonwealth. pagdating nya dun,nandun yung uncle ko,...nag meet sila kasi may pinabigay ako sa uncle ko. binuksan nila yung hood at nakita na basa ng oil yung starter. ,.....Today,...tumawag po yung SA pero ibang SA na yung humarap sa kaso ng navara ko

. eto po yung sabi: 1. yung oil leak ay nanggaling daw sa last changed oil ko!, (natapon sa dating oil filter?) 2. yung "low power" ay caused daw ng maruming air filter? 3.yung rattling sound ay caused din daw ng "low power".
magkausap kami sa phone at tinanong ako kung papapalitan yung air filter ko para ma resolve yung low power issue? sabi ko palitan nya. charged sa akin

. around 2pm tinawagan ko ulit yung SA para malaman kung ok na yung unit. OK na DAW. pagdating ko dun sa dealer,.....nag explain ulit yung SA sa akin. pagkatapos nya mag explain, sinabi ko na di ako convince sa engine problem issue na sinabi nya. tpos sinabi nya na di pa daw fully resolve yung rattling sound,nabawasan lang daw. pinuntahan namin yung unit at ni-rev nya hanggang 5000rpm, minimal nga yung rattling kasi maingay masyado engine, nirev ko yung engine at 3000rpm at narinig nya ng malinaw! wala palang na resolve. sabi ko kaya ko pinapalitan yung air filter kasi sabi nya yun daw yung cause ng low power pero bakit di nawala yung rattling? tinanong ko kung bakit nag limp mode or safe mode yung engine? sabi nya parang defense mechanism ng engine un,pag may problem. MAY PROBLEM pala e bakit kung anu ano yung sinasabi sa akin? tapos pagbabayaring pa ako ng 3,500 pesos para sa air filter(2k+) at labor (1k+)
wag ko muna daw kunin yung unit kc obserbahan pa daw.

sabi ko kunin ko na at pag nag leak ulit yung oil,...balik na nila pera ko at sa kanila na navara nila. Nag insist yung SA na iwanan ko at update nila ako bukas sa concerns ko.
pasensya na po at parang tele novela
