Sorry guys... di ko alam kung saan to ipopost. I just need help po.
1. Namamatay po and makina ko pag naka-aircon while at cruising speed. Pero once namatay at pinaandar mo ulit... one click lang andar naman sya ulit. The alternator is newly replaced with a surplus from 70W, now it's 80W. I had also the servo cleaned-up due to very low idling. Napansin ko lang parang malakas ang hatak ng kuryente nya pag nagbaba ako ng power window and whenever I turn the lights on, malakas ang hatak sa idling nya. Pero pag di ako naka Aircon, okay naman ang takbo nya. Although I have encountered another problem but I dont know if this is related.
2. Pag kalahati na ang gas ko... nagloloko ang makina. I had the MAF replaced already pero parang ganun ang symptom nya. Parang naghoholdback syang bigla. Parang kinakapos o nalulunod. Pero pag pina full-tank ko ulit... okay na naman ang takbo nya (without the Aircon, kasi pagnag-aircon balik ako sa Problem 1.) 5 months ago I replaced the Fuel Pump kasi di na daw humihigop yung dati kong pump. Nalinisan na rin yung tank.
Di ko na alam kung saan nanggagaling ang mga problema. I just want the car to go back to its normal operation. Nissan Sentra ECCS 91 Model. EFI na po sya. TIA


Reply With Quote

