Mga tol. ask ko lang. Ung battery ng Series 3 ko eh 5 times na na dradrain.
New replace battery na enduro na sya..
Pinacheck ko sya sa Reys Auto Electrical 4 times na din eh wala naman daw ground
Ang pang check lang kasi nila eh ung tatangalin ung negative wire iiipit ung bulb nila tapos pag umilaw daw un may ground
Pero duda kasi ako lagi nlng ako na dradrainan ng battery.
Possible ba ung Diode ng alternator. may nabasa kasi akong ganong post
pag-andar ng kotse, naka-ilaw ba yung generator warning light? hindi kaya sira yung alternator, o may poor connection, kaya hindi kumakarga yung baterya?
at mas magaling kung multimeter yung gagamitin at hindi bumbilya..
I would doubt that it's due to a faulty alternator. I'd rather bet that it's due to something draining your battery.
3 days? Baka may maling connection lang dyan. But 3 days is a pretty long period so the drain isn't huge (ex. open headlights). What about letting the CASA take a look nalang?
Para malaman mo kung battery, alternator o grounded, mag try ka boss ng ibang battery, kung hindi siya nadrain, yung battery mo na bagong bili ang may deffect
Na try na rin ng ibang battery. kasi pinull out sya ng motolite and nag lagay ng bagong battery. but still drain ulit sya for 3 days... wala naman umiilaw pag umaandar at normal ang charging nya nasa 14 kahit bukas ilaw at aircon.
Sya nga pala. may pinacheck ako... sunog daw ung diode nung alternator.. ask ko kung mag kano papalit ng diode. buo daw. ask ko din sya kung un ang dahilan. di nya matiyak. na observe ko din pag bukas aircon medyo nag dedelay ng konti ung reaction ng engine pag tinatapakan ko gas pedal.. medyo nag didim din pag bukas aircon any idea mga ka tsikot. Thanks
Kung Diode lang ang papalitan mura lang yan pero ang labor di ko alam.
Subukan mo na umaandar ang makina taasan ang idle. Habang umaandar tanggalin ang positive cable ng baterya para ang koryente ay manggaling sa alternator. Pag namatay ang makina sigurado yang alternator may problema.