
Originally Posted by
NisToy
sir , kung sabi mo ay sentra 93, ibig mo ba sabihin ay series 2 ? o late model na sgx ? kung series 2, carb or fuel injected ? maganda nga siguro madagdagan mo ng konting details. palagay natin na talagang kapag umiinit lang (na hindi naman nag overheat), may posibilidad na ign coil , siguro. pero madali mo naman malaman ito. kapag sabi mo nainit at humina ang batak, subukan mo palamigin ang coil sa paglagay ng basahan na binasa pero piniga para ma absorb init ng coil (huwag mo lang kalimutan patayin muna makina, baka makiliti ka sa kuryente, 10,000 volts mahigit yan, pero low current naman). kung gumanda, malamang coil nga. tama rin naman na baka nagbara ang thermostat mo, kaya restricted flow ng tubig , pero malamang mag register din ito ng mataas na water temp. kung fuel injected sya, at restricted ang thermostat, palitan nga sya. may oe na thermostat, pero mahal ito, palagay ko sa tagal na, may replacement thermostat na sa aftermarket, at baka ang opening pa , mas mababa ang temp. kapag nagkabit ka kasi ng surplus, kadalasan, mataas ang opening temp .