1. Ano po maganda aftermarket na Air filter? maganda po ba SIMOTA Air Filter? kasi ipapa-tune up ko na lang ung sasakyan ko kasi lagi ako namamatayan (see my other thread) so balak ko na ipasabay. magkano po kaya presyuhan nun?
2. Ano po ang difference ng Japan Headlight sa Bubog Headlight? In terms of performance? kasi po ung sa akin eh luma na and mejo madami na brittle ung plastic nya. So instead na palinis ko eh palitan ko na lang, and kasi hirap na hirap ako kapag sa gabi na wala streetlight na daanan (BTW naka 55watts ako) plus ung tint ko eh parang ung stock pa. o mas prefer nyo maglagay na lang ako ng foglamp na 100 watts (which is pinakamura although wala ako lagayan sa bumper ko)
3. Saan ko kaya pwede pagawa ung RPM and odometer ko? pareho kasi nagloloko eh at napapalitan ba kulay nung sa gauges natin? pati na rin ung backlight nya?
4. magkano kaya ung chin na para sa Series 3? instead kasi na magpalit ako ng bumper eh lalagyan ko na lang ng chin.
5. ano ba ang stage 1 racing setup para sa sasakyan na ito? (wala lang, gusto ko lang malaman) hehehehe
6. meron ba aftermarket na clutch? I mean diba cable type ung clutch nya, meron ba na nabibili na mechanical na? kasi sa totoo lang eh nagkaroon ako ng kalyo sa paa simula ng bumili ako ng sasakyan (left side, ung laging naka-apak sa clutch) may kinalaman kaya dun ung racing pedal? or papaano ba mapapagaang ung apak nun ksi mejo matigas eh.
7. lastly ano pa masu-suggest nyo na upgrades mapa-performance man or aesthetics.
maraming salamat po and pasensya na kung mejo madami ung aking katanungan and I'm sure naman na lahat kaya nyo masagot lalo na ung mga GURU dito sa forum.
BTW naka Nissan Sentra Series 3 - Super saloon ako






Reply With Quote
