matagal ko na din problema yung pagpapalyado ng sentra ko. may mga pagkakataon na nawawala at bumabalik ulit. pero ngayon tolerable pa naman tsaka nawawala kung minsan. hehe
share ko lang experience ko.
dito kasi ako sa baguio kaya malamig tapos di ko masyado ginagamit yung sasakyan. tsaka laging short trip lang takbo niya. mga 4km bahay-work.
nung kinuha namin yung sasakyan. palyado na. di ginagamit at di name maintain kaya isa din siguro sa mga cause.
mga ginawa ko:
- pinalitan ko yung sparkplugs ng bosch platinum. nawala naman pero after a week bumalik ulit.
- pina tune up ko tapos palit plugs ng bkr5e kasi nangitim na yung bosch plugs. linis din ng maf using carb cleaner. nawala yung palya. pero after a week bumalik.
- tune up ulit (this time following the casa method: clean maf, set base idle, set timing). humina yung pagkakadyot pero meron pa din.
- change sparkplugs to bkr6egp (1 step colder than bkr5egp?) change high tension wires (bosch hehe, wala akong mahanap na ngk).
----ayun sa wakas wala na palyado---
- after 3 months nung nagbiyahe ako sa halsema, bumalik ulit yung pagpapalyado. bumabagyo at sobrang lamig dun, mas malamig kesa baguio yung clima kaya posibleng ito yung dahilan ng pagpapalya. yung engine temp bumaba din sa normal.
- ngayon nawala ulit yung pagpalya. pina advance ko yung timing.
sorry haba.
possible solutions to your problem
- change sparkplugs to BKR6EGP
- change high tension wires if more than 3 years old
- have your Maf cleaned using carb cleaner
- have it tuned following the casa method
*kung naka full na yung adjustan ng timing mo pero di pa rin tama yung settings base sa reading using timing light, have it adjusted on the timing chain. yun sabi ng mekaniko ko.
kung ayaw pa din.... benta mo na lang.. 