Buhayin ko lang itong thread mga north peeps (Fairview/Novaliches area). Ang daming bagong development sa area ng SM Fairview/Mindanao Ext Ave/Casa Milan area. May expansion ang SM, magbubukas yung bagong McDo sa Monday sa harap ng OB Montessori tabi ng Toyota. Tapos sa other side may ginagawa ding commercial building with Jay-Jays/7-11. Tabi-tabi na rin mga automotive shops (sale/service). May bagong bukas na Big Bert's. Sa gabi apaw ang tao sa Bodega.
At may S&R na sa Quirino Highway. Ang downside lang trapik sa area gawa ng MRT-7 construction.