Pinapalitan ko yung busina ng wave 125 ko sa barkada ko na marunong magayos ng motor.. Kinailangan nya daw tanggalin ang choker pati ang air filter para magkasya sa ilalim yung bagong horn.. Ang kaso, importante sa akin yung choker dahil hindi naman masyadong nagagamit yung motor.. Simula nun hirap na ako paandarin ang motor sa tuwing gagamitin ko dahil ang tagal i-kick start.. There was even a time when it took me almost 30mins just to make it start.. Kangawit! Kinagabihan nun, parang pinulikat yung binti ko dahil sa ngalay.. Sinubukan na din nya ibalik ang air filter (mas maliit nga lang) dahil baka daw kahit paano eh bumilis mag-start.. Medyo nag-improve ng konti kaso tagal pa din i-kick start bago umandar eh..