New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 2 of 2
  1. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    8
    #1
    Be gentle. Wala ako masyado alam sa kotse.

    CAR: Toyota Revo GSX 2003 A/T Unleaded Model. Color: Spruce Green and Gray dun sa bandang panels ng gulong.

    SCENARIO:

    Palabas ako ng parking space ko sa isang parking lot. Pa-atras yung labas ko. Sumabit sa poste yung front panel ng hood ko saka konti ng driver's side door. (Nasa left ko yung poste. Todo-kabig ako pa-kanan habang umaatras at hindi ko napansin yung poste. I know, I know...bobo ko talaga. ) Lubog yung front panel ng hood ko (Di naman sobrang lalim) and it had scratches saka humawa yung kulay nung poste na na-sabitan ko. Bakbak yung pintura (Kita na yung 'itim' na part ng kaha dun sa gray parts ng kotse) ng sasakyan ko.

    Yung side mirror din ng driver's side, sumabit. Dati, when you fold it, it snaps to a certain place. Ngayon, parang walang "spine" yung side mirror and you can push it all the way back. Nabakbak din yung gilid nito (Chrome yung kulay niya).

    QUESTIONS:

    1. Kailangan na kaya palitan yung side mirror? Electronic kasi yung salamin. Pwede gamitin yun parang window control panel sa loob ng kotse para i-adjust yung mismong salamin (not the casing) nung side mirror. Gumagana pa naman siya. Ang concern ko lang, ang sagwa nung gasgas/bakbak ng chrome at yun nga, hindi na nagsa-snap yung casing nung side mirror to a fixed place kapag tinutulak mo siya palabas para gamitin. Ang iniisip ko, baka sobrang gastos if papalitan ng bagong side mirror kasi nga, may labor pa involved sa pag-konekta nung wiring nung salamin at nung window control panel sa loob ng kotse.

    Magkano kaya abutin kung papalitan yung mismong part?

    2. Yung lubog nung front panel ko, di ko maisip kung ipapagawa ko pa. Iniisip ko ipa-pukpok ko na lang muna since hindi naman yata ganun kalalim yung gasgas kaso masagwa lang tingnan. Isa pa, inabot din ng gasgas yung sticker nung sasakyan namin (may parang whole-body sticker kasi yung sasakyan) e, sa alam ko, Php 2000.00 ata halaga nung sticker dahil di mo naman puwede palitan yun na yung part lang na yun. Kelangan, set ka talaga bibili. Kaso, di ko alam kung yung ilalim ng sticker may gasgas ba, or talagang na-kayod lang yung sticker.

    Yun lang muna. Maraming salamat.

  2. Join Date
    Nov 2004
    Posts
    505
    #2
    side mirror:
    pede siguro palitan nyo lang yung housing hindi na yung buong assembly, para makatipid, then subukan baka ma-repair pa yung mechanismo/guide. try nyo mag canvass sa banawe. better to ask sa mga mismong tindahan para wala ng patong ang banawe boys at para sigurado kayo, mahirap makuyog ng banawe boys.. imbes na magawa kadalasan "naba-baboy" lang..

    front panel hood, body repair:
    mukhang maliit na trabaho lang naman, di yan aabutin ng 2k..
    may kakilala ko pintor/latero, base sa kwento nyo less than 2k sure ang singil dyan. pm na lang kung kailangan nyo.

    sticker:
    canvass kayo sa banawe, baka may mas mura na same sticker.. kung sa casa yung 2k na sinasabi nyo..

Need help on estimates.