Na-experience ko rin po yung upshift hesitation during test drive event sa MOA, (monty gls-v 4x2)

pag slow roll tapos biglang diin sa accelerator pedal (flat surface), meron syang delay about 2-3 seconds, tapos biglang surge yung takbo, pero manageable naman for braking, kailangan talaga mabilis ang footwork pag tapak sa brakes.

Sa MT version, kailangan proper yung timing sa pagbitaw/timpla sa clutch at accelerator, violent ang jump (kadyot) in first gear..

kung sa incline surface naman, much better talaga na i manual mode pag AT or hold yung paddle shifter, napansin ko po nung time during test drive, nag manual mode po ako, in slow roll (10KPH), nasa 2 na agad yung naka-indicate sa dashboard. di ko lang po sure kung ang montero, 2nd gear start lagi pag flat surface.

kung sa incline, sa MT, kayang-kaya up to 2nd gear, no problem, pero ang napansin ko naman po sa downhill, pag 1st gear, pigil na pigil yung takbo, then 2nd gear, pigil din pero hindi gaano mabagal, (parang merong electronic protection ang transmission sa MT version)


Eto po yung na-observe ko sa accelerator pedal, apply very light foot during idle at naka neutral (aircon off), response agad yung RPM from 800 RPM to 1000 RPM, pero biglang tapak at biglang bitaw at least 50% yung tapak, papalo lang sa 2K RPM.

From light foot na tapak, tapos hold yung pedal sa 1000 RPM ng 2-3seconds, biglang tapak ng 50% sa accelerator pedal, biglang surge yung RPM sa 2500-3K RPM,

About naman sa SUA na sinasabi,

Hindi totoo, saka nasa driver na ang responsibility, nangyari na sa akin 1 time na yung accelerator pedal nag-stuck dahil sumabit yung tsinelas ko sa matting, nag shift ako sa 1st gear at bago ko binitawan yung clutch, napansin ko na yung revving na yung engine ng 1200RPM kaya nag neutral agad ako at handbrake at inayos ko yung matting, at medyo drive with caution din lalo pag naka-tsinelas. much better talaga na naka-sapatos at yung mga foreign object na makaka-interfere sa accelerator pedal (matting/car freshener na nakakalat sa flooring lalo sa driver seat) dapat maayos ang position ng matting bago mag-drive at walang gamit na nakakalat sa driver seat in-case na mag brake at dederetso sa gas/brake pedal.