
Originally Posted by
playplugg
Mas sulit po Sir darkheim6900 na kumuha ng brand new, saka self-reward na rin po sa inyo ang pagbili ng brand new car para dun sa hardwork nyo.
Right now po, malaki po ang discount na binibigay ng mitsu sa buyer, kami po, 90K yung discount + freebies (polo shirt, cap, car care kit, tint, insurance, LTO, door chrome accessories, seat cover) GLS V MT po yung sa amin, worth 1.558M, halos pumantay sa price ng GLS V AT,
yung sa kapitbahay naman namin, same model din po ang kinuha nila katulad sa amin, umabot sa 110K yung discount, pero medyo less lang yung freebies na binigay..
yung DP namin, is 20% deduct na po yung 90K sa discount sa DP, 300+ po yung DP namin + 4yrs to pay at 31,*** by next year, mag balloon payment (advance payment for 1yr) kami para mabawasan yung monthly amortization saka yung interest rate, (kaya di rin kami po nag-full blast sa payment dahil ang sasakyan ay depreciated material)
sa kapitbahay naman po namin, 70% DP, tapos nasa 9K yung montly amortization nila, within 3yrs yung payment..
BPI po yung bank sa amin, sa kapitbahay naman po namin, BDO.
Sa inyo po Sir, pasok na po yung budget nyo for GLS-V AT,
kung gusto nyo po talaga na walang hassle at iwas na rin sa interest rate, cash talaga, pero kung meron po kayong other expenses like investment (business) or bibili ng property, mas preferred na mag loan kayo at hatiin yung budget nyo in 2 sides at the same time po, hindi po sagad yung pera na gagastusin nyo para lang bumili ng isang bagay. at least mahahati po ito at kayang bayaran yung amortization ng dalawa sa isang buwan.
Good luck Sir