New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    13
    #1
    talaga bang maingay yung menor niya? para kasing ang ingay ng makina,or may problem lang yung car ko? para kasing may nagcclick na sound sa makina(which nadidinig ko rin sa ibang lancer 92 na nakita ko)

    compared sa toyota or honda,ang ingay ng menor ng mitsubishi lancer ko, may kinalaman kaya yung muffler dun? naka muffler kasi ako
    need your expert opinions mga sir,. tnx

  2. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    148
    #2
    91 lancer glx car ko. Ganyan din dati problema ko. Ang ingay ng idle. Ilang beses ko pinaayos. Pina-tune up, palit ng timing belt, idler bearing, at high tension wires. Pina-adjust ko rin tappets. Nabawasan yung ingay. Naging mas pino yung tunog. Pero after a few days may kakaibang ingay. Parang may nagmamartilyo sa loob na makina. Akala namin camshaft ang may problema. Pinalitan namin. Ganun pa rin. Pinalitan namin yung cylinder head. Ganun pa rin. Hayun, nauwi sa overhaul. Yung tumutunog pala ay piston. Umuuntog sa cylinder head. Anyways, ok na ngayon tunog ng makina. Almost one year na after ma-overhaul. Pero talaga lang maingay tappets ng cyclone engine. May lagitik ka talagang maririnig. Pero sa taas ng makina mo maririnig yun. Tik tik tik tik yung tunog. Pero mahina lang dapat.
    Try mo pa-adjust tappets.

  3. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    13
    #3
    panu ba inaadjust yung tappets sir?

  4. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    148
    #4
    Quote Originally Posted by steve_vai View Post
    panu ba inaadjust yung tappets sir?
    Di ko alam gawin kung ako mismo pero ang nakita ko na ginagawa ng mechanic ko tinatangal yung cover ng cylinder head. May iniikot siya sa bandang ibaba ng makina para mag-align yata yung mga valves. May ginagamit siya na panukat ng valve clearance. Di ko maalala yung tawag. Anyway, try mo i-search sa yahoo or google. May mga articles regarding adjusting valve clearance. May kasama pang diagram yung ibang articles. Pag mali kasi ang valve clearance may reduction sa power ng engine. Yung iba sisasama palagi sa tune up ng car nila yung pagpapa-adjust ng tappets.

menor ng 92 lancer singkit