New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 20 of 181

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    249
    #1
    mga bad trip moments nyo sa bagong bili nyo na kotse..
    i.e
    gasgas, dents, lemon unit etc,,...

  2. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    325
    #2


    Pag wala kang panghulog sa monthly amortization ng car. Depreciated na brand new car mo pag labas pa lang ng casa. Pag di ka marunong mag drive bad trip din yun. If you don't have budget for gasoline and regular maintenance. Much more if you figured in a traffic accident.

  3. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    2,421
    #3
    Quote Originally Posted by nickriingen View Post


    Pag wala kang panghulog sa monthly amortization ng car. Depreciated na brand new car mo pag labas pa lang ng casa. Pag di ka marunong mag drive bad trip din yun. If you don't have budget for gasoline and regular maintenance. Much more if you figured in a traffic accident.
    Was that your bad trip moments?

  4. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #4
    (1) Gasgas sa dashboard. Raised hell with HondaKal. Eventually, they gave me a leatherette seat cover to shut me up.
    (2) Gasgas sa A-pillar. Raised hell with HondaKal. Eventually, they gave me a free detailing to shut me up. Unfortunately, their free detailing instilled holograms. They offered a re-do for free.. pero ako na yung umatras.
    (3) My wife's uncle. When he saw my brand new 2004 City (back in 2004 of course), he said it was a nice car! Sabay haplos ng left hand niya on the trunk. He was wearing his wedding ring. Katank! Followed by kisssssssss... I almost wanted to scream!

  5. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,675
    #5
    bad trip ako kapag nakatutok sa likod ko ng todo ang isang bulok na sasakyan kahit hindi traffic!

  6. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    14
    #6
    2008 Oct - 1 week pa lang Honda Civic ko wala pang plate binangga ng honda city , nag t txt ata.
    2009 Dec - 2 days old pa lang Montero ko, binangga ng PUJ sa likod din.

    MALAS! MALAS!

  7. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    364
    #7
    Quote Originally Posted by nickriingen View Post


    Pag wala kang panghulog sa monthly amortization ng car. Depreciated na brand new car mo pag labas pa lang ng casa. Pag di ka marunong mag drive bad trip din yun. If you don't have budget for gasoline and regular maintenance. Much more if you figured in a traffic accident.
    +1 ako dito

    plus bangga sa likod due to texting driver sa likod ko,saklap walang nangyari sa kaso. Filed ko nalang sa insurance ko and was given 3K for it,gastos pa rin ako in the end!
    Last edited by monsrick; March 31st, 2010 at 10:49 AM.

  8. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    420
    #8
    good day!

    add din ako sa thread na to. this ride is only used pag umuuwi ako, 2nd day of driving pa lang then... toink. :praning:



    bat kaya parang magnet ang bago?..

  9. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    31
    #9
    My car was only 3 weeks old nung binangga ng jeep. Heavy dent at tiklop yung pintura sa front right panel and bumper. And to make things worse yung traffice enforcer doon pa sa bonnet pinatong yung papel at nagsusulat. Ayun nadagdagan pa ng fine scratches!

  10. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    2,340
    #10
    way back 2007, our vios was just 2 days old in our hands, i have to drive it in the flood to go to my ex's house because its her mother's funeral service.

  11. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    618
    #11
    Nangyari na din sa akin yung tipong naka double parking ka then suddenly may makilita kang taong may hawak na payong na lalakad sa tabi ng car mo then biglang "tug" ayan sapul may guhit na car mo even if you didnt do a thing hehe

  12. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    618
    #12
    Meron na din nangyare sa alin yung tipong naka stop ka sa stoplight then biglang may jeepney na hihinto sa tabi mo so when a passenger wants to ride the jeep, lalakad sya sa tabi ng car mo, e may backpack cya so pag lakad nya sakto naka dikit yung zipper ng bag nya sa gilid ng car mo. Boom instant gasgas nanaman
    Pag sinigawan mo naman, malamang mag sosorry lang yan but still the damage have been done

  13. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    705
    #13
    Here's mine:

    1. 2 weeks old pa lang Hiace Commuter ko may gasgas at butas na hubcaps.

    2. 1 month old na sya. nag checkin at overnight kame sa Hotel H2o. I parked in the open area outside the hotel. Day 2 nung uuwi na kame may dent na sa right side at may red color pa. Parang naurungan ako ng red car. Lubog nga eh

    3. 2 weeks after that nagka dimple naman sa rear fender sa left side. Puro left side gasgas ko talaga.

    4. 2.5 months old sya nung nagasgasan sa front left side ng gulong (ung nilalagyan ng mudguard) tanggal pintura

    5. Last and the most recent is when magrerenew ako ng license sa LTO marikina near riverpark. I was about to park near the river side when I had to tread a sloping way downwards to the parking space. Biglang may adobe sized blocks pala na naka formation kaya ayun gasgas at nakatupi na right side naman ngayon ng hiace ko. Pares na sila ng kaliwa.

    haayy

  14. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,781
    #14
    wala kayo sa lolo ko, bagong labas pa lang ng tsikot niya eh tumirik na agad.

  15. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    3
    #15
    3 week old MS oil drips near the oil filter... :-(

    week after 1000kms pms. oil leaking on the drain plug. magaling maghigpit mekaniko nila :-(

  16. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    618
    #16
    Sa akin naman kakalabas pa lang ng casa yung newly purchased grand starex and innova namin both tabingi ang manibela while running on straight roads... Pero both was fixed under warranty a week after. Badtrip lang kasi bakit tabingi manibela sa kakabili na car diba? Ano yan mass production ??

  17. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    1,101
    #17
    Moist water inside the headlight of ford fiesta.

  18. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    21,343
    #18
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    wala kayo sa lolo ko, bagong labas pa lang ng tsikot niya eh tumirik na agad.
    Pards medyo corny ah

    Sent from my LT26i using Tapatalk 2

  19. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    576
    #19
    1st week ng EX ko eto lang December, bumebwelta ako sa isang madilim na kalsada, sabay may naatrasang bato! Ayun may mga dots yung bumper na malalim.

    2nd week, habang umaandar eh biglang may tumunog sa right side na parang sanga ng puno na nadaanan pero hindi ko nakita. Kinabukasan ayun gasgas from hood gang bubong meron pa sa pinto (right side) gang sa gilid ng trunk meron linya, although hindi malalim. 2nd week din nung nakita kong may dent ako sa hood na maliit, d ko alam kng san nanggaling.

    3rd week, PMS time. Napansin ko na din sa 1st day na mejo hindi pantay ang awang ng hood ko sa magkabilang side, mejo malaki sa right side ang awang sa fender. So binanggit ko sa Service Advisor at sabi i-align lang daw, ayun inangat yung hood at niluwagan ang screws ng fender, aba pinatulak yung fender papaloob. Too late nung sinabi ng SA sa crew na wag pwersahin, kasi nagkaron ng dimple. Kamot ulo na lang ako at pinalagpas ko na, naisip ko ako na lng papagawa nun.

    4th week, which is this week lang, habang ang gasoline boy ay binawasan ang hangin ng gulong ko, since masyadong mataas eh 42 psi pgkalabas ng casa (kaya pla matagtag), nakita nung gasoline boy na may tama pala yung front right mags ko, itsurang na-gutter. Pero wala akong maalalang ganun nagutter ako, oh well.

    4th week pa din, kahapon lang sakto paskong pasko! Since matraffic samin at pumasok ako sa isang malubak na daan at may nakita akong nauna dun na sinundan ko lang, at marami ding nagsunuran sakin, aba eh meron palang malalim na butas dun, ayun sayad ang ilalim ng right side ng bumper. Grabe nakayas talata eh, ang sakit sakit tignan pag sinisilip ko sa ilalim. Ang laki, mahaba at malalim ang gasgas, repaint ang katapat. Pampalubag loob eh apat kameng nabiktima dito. hehe

    Isama pa natin yung mga gasgas galing sa car wash na sablay maglinis, once lang tinry ko kasi ang ganda ng may ari nung carwash lapit samin nagbabantay din dun, potek sablay pla serbisyo.

    Dibale, dito ako matututo sa mga ganitong experience (pampalubag loob hehe). Yung week 4 na gasgas at yung sa week 1 sa likod na tumama sa bato, pwede po ba tong iclaim sa insurance kahit ako may kasalanan? Wala pa kasi yung policy d ko pa nababasa lahat. TIA

  20. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #20
    Quote Originally Posted by Starex_Gold View Post
    Pards medyo corny ah

    Sent from my LT26i using Tapatalk 2
    Baka hindi nagpagas at excited ng umuwi.hehehe

    Sa akin ang badtrip, kahit hindi na brandnew pag umatras ka kinakatok nung mga boy sa parking.
    Pag ganun, bumababa ako at sinasabihan ko na lang na "hindi jeep ang kotse ko, hindi mo ba nakita na may sensor at camera?" (medyo pabiro pag maton ang itsura, pero medyo tiger look pag kayang bengahin).hehehe

Page 1 of 5 12345 LastLast
bad trip moments on your newly purchased car