may maliit na tama yung white montero namin.. siguro mga 8inches medyo lubog ng konti sa driver side na door.. my mom went to Carworld Malolos this morning para maestimate 12k daw! isang panel lang nung nalaman ko un naginit ang dugo ko! hindi purkit babae un kala nila maloloko nila..
6k daw PAINT palang sa Isang PANEL ano ba ung pintura nila ginto?
punta kami sa Freeway Baliuag which is dun namin kinuha ung unit ang estimate is 4k and natawaran ng 2k pinasok na namin sa Wenesday pa makukuha yung unit..
bakit ganun? sobra sila CARWORLD MALOLOS MASYADONG GAHAMAN MGA TAO niyo!
I can still remember nung pinapa change oil ng mother ko sa car world malolos yung '89 corolla namin kase she don't want to go to Quezon Avenue Toyota just to have an oil change ( that was a long time ago ). After nya pina change oil umuwi na sya sa Calumpit. Then a day after nung gagamitin na nya nung umaga. Start nya yung makina tapos she said she heard the engine is making some weird loud noise ( parang kumikiyakis na bakal ). Pinatay nya agad makina tapos tumawag sya ng mekaniko. She found out na carworld malolos forgot to put a new set of oil after they drained it. Sabi pa nila na dapat daw double check ng mother ko yung car if they did it right. Dinala namin yung car sa Toyota QA for change engine. I hate that dealership a lot.
Hindi na kami nag habol sa carworld about what had happened. Charge it to experience..
mukhang matindi pangangailangan nyang CARWORLD MALOLOS na yan ah,..
yung cost repairs sa mga ganun damage e naglalaro lang sa 2.5k to 4k...tapos yung price ng CWM 12K, e yung price na yun pang fender crash makeover na e, left and right side pa.
Had same horrifying experience with dealers/casas. Kaya it's very important to be vigilant once you checked in your vehicle be it the usual pms, check up or repairs kelangan talaga bantay salakay ka sa ride mo!
Chief pwede mo naman dalhin sa labas (reputable shop) for estimate. Kung wala pa scratch sa paint kayang kaya yan ng PDR (paintless dent removal) and it would not even hurt your pocket kapag pina-estimate/pinagawa mo sa labas.