kayo bagang mga tinamaan ng palaso ni kupido ay animo kasingtamis ng alatiris na hinog sa puno....

kahit ang mga langgam sa kagubatan ay mawawalan ng ulirat sa tamis ng inyong mga tinuran...

ay ganyan talaga ang kasabihan ni balagtas, "ang pag ibig kapag nagtama sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang"

ala ey car girl..sana ay patuloy kang magtampisaw sa ilog ng pag mamahal. dahil ang pag ibig ay parang sikat ng araw sa panahon ng tag-ulan. bagamat ang araw ay buong talastas na pumapaimbulog sa kapal ng ulap...ito ay parang isang mailap na hito sa balisbis ng parang, sa panahong malapit ng magtanim ng palay.

ika nga marami ang nagtatangkang malaman ang kahulugan ng pag-ibig, pero iilan ang nakakaapuhap ng kapangyarihan niyaon.